Day 0172Alas-una ng madaling araw, gising pa si Xavier at abala sa pagpapatuloy ng kanyang naiwang trabaho. Mahimbing nang natutulog si Cheska kaya panatag ang loob ng binata na hindi na ito magigising pa. Bagaman, katulad nang hindi niya inaasahan, dali-daling tumayo si Xavier nang makitang naglalakad na tulog na naman si Cheska. Nilapitan niya ang dalaga saka hinarangan; hinawakan sa magkabilang braso at saka ginising."Cheska? Cheska, wake up!" Ayaw niyang sigawan ang dalaga, ngunit kinakailangan. Ngunit sa kasamaang palad, hindi pa rin ito nagising."What is in your mind right at this momemt? Anong ginagawa mo sa iyong panaginip at kailangan mo pa talagang maglakad ng ganito. Ang lamig ng sahig; walang sapin ang mga paa mo. Come here—let's get back to your room."Alalay ang ginawa ni Xavier. Ngunit, napansin niyang may mga luhang tumatagas sa mga mata ng dalaga, kaya naman dahan-dahan niya rin pinunasan iyon. Napayukom ng kamao si Xavier nang walang magawa kundi ang tignan, pagma
Terakhir Diperbarui : 2025-05-05 Baca selengkapnya