No'ng una ay nagulat si Luciana, ngunit kalaunan ay mabilis siyang nakabawi at pilit pinanatili ang sarili na maging kalmado lang.Ngayon, naintindihan niya na kung ano ang tinutukoy ni Alvin sa tulong nito sa kanya tungkol sa kanilang paghihiwalayan. Iyon pala ay ang pagpapaniwala kay Maximo na hindi siya tapat at lihim na nakikipaglandian sa kanyang kaibigan. Sa ganitong paraan, wala nang dahilan si Maximo para panatilihin pa siya sa kanyang tabi.Sa mga sandaling iyon, may kaonting kalungkutan na umusbong sa puso ni Luciana, ngunit wala siyang magawa kung hindi ang magpatuloy dahil nasimulan na. Ito na ang huling balakid.“Pasensya ka na, Mr. Guevarra, dahil iba ako sa 'yo. Pagkatapos ng divorce, kailangan ko nang suporta at katulad ng alam mo, ang kumpanya ng pamilya namin ay kasalukuyang pinamamahalaan ng tiyuhin ko. Nalulubog na kami sa mahirap na kalagayan at kailangan nang malakas na backer. Kung hindi, walang may gustong makipagnegosasyon sa amin,” nakangiting saad ni Luc
Last Updated : 2025-05-06 Read more