Nabuo ang lugar na ito para sa mga de-kalidad na pagpapasadya. Samantala, mabilisan namang tumingin-tingin si Liezel sa paligid at agad itong nagtanong. “Lahat ba ng mga evening gown na ito ay ikaw ang nagdisenyo?”“Oo,” sagot ni Luciana sa kanya.“Maganda ang mga ito,” puri ni Liezel sa kanyang mga gawa.“Liezel, alam kong marunong ka rin sumayaw. Bakit hindi ka pumili ng gown na hindi masikip para makagalaw ka nang maayos? Para sa kaarawan, kayong dalawa ni Maximo ay eleganteng makakasayaw. Hindi ko maisip kung gaano kaganda ang eksenang iyon,” sabat naman ni Zarina sa pag-uusap ni Luciana at Liezel.“Oo naman. Sigurado akong maganda iyon,” sagot ni Liezel, sabay turo sa isang puting evening gown. Pagkatapos ay tumingin siya kay Maximo at nagtanong, “Max, ano sa tingin mo sa puting gown na ito?”Tinapunan iyon ng tingin ni Maximo at malumanay na sumagot, “Looks fine.”“Kung gano’n, ito na ang susukatin ko,” ani Liezel na may ngiti sa mga labi. Tumingin naman siya kay Luciana
Last Updated : 2025-05-06 Read more