Nang mapagtanto ni Giselle na matalino pala si Luciana ay ikinatuwa niya ito. Pagkatapos niya itong ihatid sa mansyon ay binigyan niya ito ng gamot.“Alam ko na hindi pa rin maganda ang iyong kalusugan kaya inumin mo ito para magka-lakas ka,” wika ni Gisella nang mahinahon.“Salamat po, Ma,” sagot ni Luciana habang inaabot ang ibinigay sa kanya ni Giselle.“Tungkol naman sa kasunduan natin, ayokong may ibang tao na makaalam tungkol dito, Luciana,” sambit ni Giselle bigla sa kanya.“Makakaasa ka, Ma,” sagot niya sa biyenan.At pagkatapos no'n, agad na umalis si Giselle sakay ang kotse nito.Nakatayo lamang si Luciana sa hardin habang hawak-hawak niya ang mga gamit, at unti-unting nawawala ang kalungkutan na bumabalot sa kanyang puso. Sa oras na mag-file ng divorce si Maximo sa kanya ay maaari nang mailabas ang kanyang ama at tahimik niyang hinikayat ang sarili na kailangan niya itong pagtagumpayan.Samantala, pumasok na si Luciana sa loob ng mansyon. Agad naman siyang nilapitan
Terakhir Diperbarui : 2025-05-06 Baca selengkapnya