LILURA ÁSVALDR ODESSA MADALING ARAW AGAD akong naka tanggap ng tawag mula sa mismong underground. Ngunit ang linya ay naka konekta sa mismong Headquarters ng OoTA. Napa bangon naman ako at pinagmamasdan ko ng maigi ang cellphone ko kung tama na ako ng nakikita. Ngunit.. Mabilis akong tumayo at nag tungo kay Ate Nida. Pumasok ako sa loob at nakita ko itong mahimbing na natutulog. “Ate.. ate..” tawag ko dito hanggang mapa balikwas ito. “Ma’am? Bakit po?” Tanong nito. “Matulog ka sa tabi ni Louvre aalis lang ako emergency lang..” paalam ko dito. Tumango naman ito. Sinabi nito na aakyat na lang siya kaya agad akong nag bihis at tumakbo na ako palabas ng bahay ko. Dumeretso ako sa motor ko, mabilis ko itong pinatakbo patungo sa OoTA. HINDI NAGTAGAL NAKARATING na ako, sakto naman pag parada ko ng motor ko siyang dating ng isang naka itim na sasakyan. Nag taka ako kung sino ito, bago ito maka baba ay agad akong pumasok, doon ko nakita si Mordred, Kohen at Knight. “Damn! I mi
Last Updated : 2025-05-17 Read more