"Mahal, huwag kang magalit. Hindi alam ni Reinella na bawal pumitas ng mga bulaklak," ani Lander habang hinahaplos ang kamay ng asawa."Tita, papalitan ko lahat ng bulaklak na pinitas ni Reinella. Pakiusap huwag mo siyang pagalitan, kawawa naman siya," pakiusap ni Maverick nang mahina para hindi marinig ni Reinella. “Saka po wala siyang kaalam-alam, Tita."Mama, tutubo ulit ang mga bulaklak. Hindi na kailangang pag-aksayahan ng pansin," depensa ni Reed kay Reinella.Nang makita kung paano tratuhin ni Remulos at ng pamilya nito si Reinella, nakaramdam ng awa si Reed. Ayaw na ayaw niya talaga ang mgaganoong sitwasyon, sensitive siya patungkol sa usaping asawa at kasal. Akala niya ay impyerno na ang relasyon nila ng asawa niya, ngunit mas malala pa pala ang pinagdaraanan ni Reinella.Isa-isang tinignan ni Cresia ang mga lalaki, bakas sa mga mukha nito ang kaba at pag-aaalala. "Mahal, hindi ko sinasabing pinagtatanggol ko si Reinella, pero—" naputol si Lander nang makita ang tingin ng asa
Terakhir Diperbarui : 2025-05-12 Baca selengkapnya