Natapos ni Reinella ang kanyang exam nang magsignal ang oras. Pagkatapos i-save ang data, lumabas siya ng testing room. Napangiti siya nang makita si Reed na naghihintay malapit sa pinto. Nakasandal lang ito sa pader habang nagce-cellphone. "Kuya Reed, tapos na po ako sa exam," ulat ni Reinella nang lumapit. "Sige, uwi na tayo," sagot ni Reed pagkatapos mag-reply sa email. "Opo," tumango si Reinella at sabay silang naglakad papunta sa parking. Ang dating ni Reed ay talagang nakakabilib—lagi itong pinagmamasdan ng mga babae. Si Reinella ay maliit at cute lang, samantalang si Reed ay matangkad, guwapo, at may aura ng awtoridad. Kung makikita silang magkasama, para silang tito at pamangkin. "Reinella!" Lumingon siya nang may tumawag sa kanya. "Kuya Maverick!" Ngumiti siya at kumaway. "Tapos ka na ba sa exam?" tanong ni Maverick, ang gwapong lalaking ay naka-dark blue na polo at black jeans. "Opo," ngumiti si Reinella. Paglabas niya, halatang pagod at med
Read more