"Okay lang, sinabi naman ni Itang na pwede humingi ulit," sabi ni Reinella."Bakit Itang ang tawag mo?" tanong ni Lander."Opo, sa amin sa La Concha, Itang ang tawag sa tatay, Imang naman sa nanay," paliwanag ni Reinella."Ah," tumango sina Cresia at Lander."Kung sinabi niyang pwede, humingi na lang tayo ulit," suhestiyon ni Cresia.Ngumiti si Reinella at nag-thumbs up.Ang dating tahimik na stall ng Sinuglaw o Kilawin ay biglang naging maingay. Marami sa mga bisita ang gustong subukan ang specialty mula sa timog.Pumila si Reinella tulad ng iba. Nang dumating ang turno niya:"Itang, padagdag naman ‘ho, kulang pa po, eh," sabi ni Reinella nang may ngiti."O sige, dagdagan ko pa," sagot ng vendor habang naglalagay ng karagdagang sandog. "Kropek din ba?""Karne lang po, Itang. Saan po kayo nagtitinda?" Gustong malaman ni Reinella kung saan ang pwesto nito para makabalik."Nagtitinga lang po ako gamit ang kariton. Nakilala ko si Mr. Ernesto sa kalye. Umorder siya ng 300 porsy
Magbasa pa