"Tsk," mahinang sambit niya habang lumalapit, hawak ang isang maliit na paper bag. "Here."Napakunot ang noo ko sa inabot niya. "A-ano 'to?" tanong ko, litong tinanggap ang paper bag mula sa kaniya."Buksan mo," utos niya, walang ekspresyon ang mukha.Sinunod ko siya, at dahan-dahang binuksan ang bag. Halos lumuwa ang mata ko nang makita ang laman.Brand new cellphone.Hindi lang basta bago—sobrang mahal ng model na 'to. Yung tipong sa ads ko lang napapanood, sa posters ko lang nasisilayan. Pero ngayon... hawak ko na."H-huh? M-mahal 'to, ah..." bulong ko habang gulat na tumingin sa kaniya.Bahagya siyang yumuko, kunot na naman ang noo. "Kapag hindi mo pa rin sinasagot ang text at tawag ko, babawiin ko 'yan," mariin niyang sambit, halatang hindi nagpapatawa.Napanguso ako. "Grabe ka naman.""Make sure ako lang ang nasa contacts mo," dagdag pa niya, mas seryoso ngayon.Hindi ko pinansin ang huling sinabi niya. Hindi ko na lang binigyang pansin at muling ibinaling ang tingin sa cellphone
Last Updated : 2025-05-25 Read more