"Anong nangyayari dito?" Ramdam ko pa ang lamig ng aircon sa batok ko pero hindi iyon nakatulong para palamigin ang naglalagablab kong damdamin habang nakatitig sa mga taong nasa loob ng meeting room. Narinig ko ang hakbang sa likod ko. Si Katy. I could sense her presence, steady and alert, but she didn't say anything. She didn't need to. Nasa mga mata ko na ang lahat ng gustong sabihin. "Excuse me, we're in the middle of an important meeting here," sabat ni Stephanie, ang tono'y pa-inosente pero may bahid ng pang-aalipusta. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya, tinaasan ko ng kilay ang babae habang nararamdaman kong tumataas na rin ang tono ko. "At sino ka para mag-held ng important meeting sa kompanya ko?" Nagkibit-balikat siya, halatang handa na sa sagot niya. "Excuse you. Hindi ikaw ang CEO rito. And I also have the blood of Andres—may karapatan ako rito," sagot niya, kasabay ng pagyuko niya na parang gusto niyang paamo ang mga investors sa paligid, like she was playing the v
Last Updated : 2025-06-05 Read more