My husband is a Billion-Dollar

My husband is a Billion-Dollar

last updateLast Updated : 2025-05-21
By:  Miss A.Updated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
7Chapters
15views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Minsan na silang nagmahalan, pero biglang nawala si Jazeah, iniwan si Raven nang walang paliwanag. Pagkalipas ng ilang taon, bumalik siya—hindi para humingi ng tawad, kundi para mag-alok ng kasal kapalit ng isang milyon. Kailangan niyang magpakasal para makuha ang mana ng kanyang lola at iligtas ang kanilang kompanya. Pero hindi niya alam, ang lalaking iniwan niya noon ay hindi na mahirap. Siya na ngayon ang may-ari ng pinakamalaking kompanya sa bansa—at hindi niya basta-basta tatanggapin ang kasunduan nang hindi siya nito napaglalaruan muna.

View More

Chapter 1

001

GUSTO KO NANG MAKAHANAP NG AASAWAHIN 

Iyon ang nasa isipan ni Jazeah habang palinga linga sa club na pinuntahan nila ng kaibigan niyang si Valerie. 

 Amoy alak, pabango, at libog ang humahalo sa hangin—isang klaseng lugar na dati-rati ay hindi niya kailanman papasukin. Pero ngayon?

Desperada na siya.

Wala na siyang ibang mapanghawakan.

"Sure kana diyan Jaz? Wala ng atrasan to" ani ni Val sa kaniya habang papasok sila sa club 

"Sigurado na ako, wala ng ibang paraan. Kailangan ko ng asawa kahit patuwadin o doggy style pa ang ipagawa saakin mamaya, gagawin ko" mahina ngunit matigas na sagot ni Jazeah habang mahigpit na hinawakan ang maliit niyang clutch bag. "Kailangan ko ng asawa pasta makuha ko lang ang pera ni Lola."

Ang pera na makukuhang mana sa kaniyang lola na matagal ng namatay ay gagamitin niya para sa pagpapalago sa kompanya ng yumaon niya ring ama nuon pa. Wala na siyang ibang kakampi sa buhay dahil bata pa lang ay namatay ang papa at mama niya, ang tanging naiwan sa kaniya ay ang kompanya ng papa niya na pabagsak na at ibang mga utang na kailangan niya ring bayaran. Kaya naman kailangan niyang gumawa ng paraan para maibangon ito

Pagpasok nila, agad silang sinalubong ng tunog ng bass na parang pinapadyakan ang dibdib niya. Kumakaway ang mga ilaw. Tumatawa ang mga tao. At sa bawat sulok, may tukso.

Kagat-labi siyang luminga sa paligid. Maraming lalaki. Mga mayayaman. Mga mukhang disente. O mukhang delikado. Pero wala pa ring tumatama sa pamantayan niya—hindi para sa tunay na pag-ibig, kundi para sa kasunduan.

Kailangan niyang makapag-asawa muna bago niya makukuha ang mana ng kaniyang lola, iyon ang nakalagay sa testament nito, hindi man ganon kalakihana ng pera ay alam niyang makakatulong ito sa kompanya ng papa niya 

"Val----" tawag niya sa kaibigan at sinulyapan ito pero nagulat siya ng makitang may kahalikan na itong lalaki sa isang tabi, napa maang siya sa nakita 

Wow, nauna pa ang kaibigan niya kaysa sa kaniya 

"Humanap ka na Jaz, baka mauna pa akong maikasal kaysa sayo" biro ng kaibigan at binalikan ang lalaking kahalikan nito.

Napailing nalang siya at nagtungo sa dance floor, sinubukan niyang igala ang paningin para makahanap ng lalaking para sa kaniya ngunit wala siyang natitipohan. 

Wala pa rin siyang natitipuhan. Lahat ng lalaki sa club—masyadong lumaon, masyadong bata, masyadong halatang lalake sa gabi lang. Hindi pwedeng kahit sino. Hindi siya pwedeng pumalpak dito. Isang maling lalaki, goodbye mana. Goodbye kompanya.

Um-order siya ng alak na martini lang, hindi masyadong matapang pero sapat para mawala kahit konti ang kaba sa dibdib ko. Na mr-mroblema siya kung paano makakahanap ng lalaki ng biglang may lumapit sa kaniyang lalaki, matangkad ito at guwapo pero hindi niya ito tipo 

"Hey, you're pretty what's your name?" agarang tanong ng lalaki 

Ngumiti lang siya at iniwan ito habang dala ang alak sa kamay, sinusundan parin siya ng lalaki kaya binilisan niya ang lakad. 

"Miss come on alam kong pa hard to get ang style mo, I can give you whatever you want just let me fvck you"

Mas lalo siyang nakaramdam ng takot sa pagsunod nito kaya nagtungo siya sa isang madilim na pasilyo, dere-deretso ang lakad niya kahit pa na bumaba na siya sa isang madilim na hagdan hanggang sa naramdaman niyang nawala na ang lalaki 

Pag-angat ng tingin ni Jazeah, parang sumabog ang buong paligid niya.

Isang underground boxing ring ang bumungad sa harap niya—malaki, madilim, at punô ng mga taong nakapaligid sa bilog na arena. Hindi ito tulad ng mga taong nagsasayawan sa taas. Ang mga narito… ay bihis na bihis. Mga babae sa mamahaling dress, mga lalaking may relo na kayang ipambili ng condo. Tumatawa. Sumisigaw. Nalilibang sa pananakit.

At doon—doon niya ito nakita.

Ang dahilan kung bakit bumilis ang pintig ng puso niya.

“Raven...” mahina niyang usal, halos hindi marinig ng sarili.

Hindi niya alam kung totoo bang si Raven nga ang nasa ring. Pero walang ibang pamilyar na tindig, walang ibang aura na ganoon kalamig at kasigla sa kalaban sa parehong segundo.

Duguan na ang lalaking kaharap nito—hingal, wasak ang mukha—pero si Raven? Pawisan lang. Walang kahit anong bakas ng sakit o takot. Parang wala lang ang bawat suntok na tinatanggap at ibinabato niya. Tahimik. Matatag. Ang malaki at puro muscle sa katawan nito ay mas nagpalakas ng tindig

Hindi niya maiwasang makaramdam ng init sa katawan habang pinagmamasdan si Rave, sobrang lakas ng charisma. Ang guwapo nitong mukha ay hindi nagpatinag kahit na pawisan at ganon din ang malaki nitong katawan, kitang kita niya ang muscle nito sa kaht anong parte ng katawan

Hanggang sa tumunog ang bell ng tatlong beses at bumagsak sa semento ang kalaban niya.

“And still our reigning champion… RAVEN WOLFGANG!” sigaw ng announcer, sabay sigawan ng mga tao.

Pumalakpak ang mga nasa paligid. May mga nagtatawanan. May mga sumisigaw ng pangalan niya. Pero si Raven? Nanatiling tahimik. Bumaba ng ring na parang walang nangyari. Tinanggal ang gloves at basta na lang itinapon iyon sa sahig. Walang emosyon sa mukha habang tumuloy sa isang itim na pintong minarkahan lang ng "PRIVATE".

Kumabog ang dibdib ni Jazeah. Parang may humatak sa mga paa niya, pilit siyang pinapaalis—pero mas malakas ang hatak na lumapit.

Sinundan niya si Raven.

Hindi na niya pinansin ang mga mata ng ibang tao. Hindi na siya nagdalawang-isip. Tuloy-tuloy siya. Paakyat sa hagdanan, paakyat sa kung saan naroroon ang lalaking dati niyang minahal nang sobra-sobra.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto, hindi man lang kumatok. At sa pagbukas niyon—parang lumutang ang kaluluwa niya palabas ng katawan.

Si Raven, nakatayo sa gitna ng silid. Wala na itong suot kundi boxer shorts. Basa pa ng pawis ang katawan, at kakaalis lang ng suot na shorts na nasa paanan nito ngayon. Tumigil ito sa pagkilos nang makita siya.

Halos himatayin siya dahil pakiramdam niya ay mahuhulog ang panty niya sa paraan ng pagtitig sa kaniya ng lalaki kahit na malamig ang mata nito at kunot ang nuo, pero kakikitaan ang pagkagulat at kaunting panlalaki ng mata kay Raven ng makita siya

“What the f*ck?” malamig at matigas ang boses ng lalaki.

Napalunok siya. Hawak pa rin ang doorknob habang sinusuri ng paningin niya ang kabuuan ng katawan ng lalaki.

Sh*t.

Parang gusto niyang himatayin.

Ang lakas ng dating nito. Kahit galit ang titig, kahit kunot ang noo—hindi niya maiwasang… madala. May init sa sikmura niyang gumapang paakyat sa lalamunan. Pero pinigilan niya iyon.

Kailangan niya ng asawa.

At sa dami ng lalaki sa mundo, si Raven ang napili ng tadhana—o marahil ng desperasyon.

“R-Raven...” nanginginig ang boses niya.

Hindi kumibo ang lalaki. Nakatingin lang sa kaniya na para bang hindi makapaniwala sa presensiya niya roon.

Kaya diretso siya sa punto.

“Alam kong kailangan mo ng pera.” Huminga siya ng malalim. “Kaya ka sumasali sa mga underground fights. Wala kang ibang option. But I can help you.”

Tumawa si Raven. Mahina. Walang saya. “Help me?” anas nito, mababa ang tono. “You think I need help from you?”

Hindi siya nagpatinag. Itinaas niya ang baba, kahit kinakain na siya ng hiya.

“Kapalit ng isang milyon… pakasalan mo ako. Just for a while. At bibigyan pa kita ng isang gabi. Gabi na ikaw ang may control.” Mahigpit niyang pinikit ang mata, saka nilunok ang lahat ng natitirang pride.

Sh*t.

Narinig niya ba? Paano kung sabihin niyang nababaliw na ako? O baka sabihin niyang gusto kong makipagbalikan sa kaniya--- well gusto ko din nam--- ano? Jazeah ang pakay mo rito ay makahanap ng asawa at hindi makipagbalikan sa ex mo.

Pagdilat niya, mabilis ang sumunod na pangyayari.

Bigla siyang itinulak ni Raven.

“Aah—!” napasigaw siya nang bumagsak siya sa malambot na sofa. Ngunit bago pa siya makabangon, pumatong na ang lalaki sa kaniya, gamit ang braso para i-pin siya sa ilalim.

Napakapit siya sa gilid ng sofa. Hinihingal.

Naglalagablab ang titig ni Raven habang nakatitig siya sa mga mata niya. Halos magdikit na ang mga mukha nila.

“Aren’t you fcking* ashamed, Jazeah Andres?” anas nito sa malamig pero punô ng galit na boses. “You left me. Iniwan mo akong wasak. At ngayong okay na ako… babalik ka, dala ang pera at proposal?”

Hindi siya nakapagsalita. Nanginginig ang labi niya. Hindi dahil sa takot—kundi dahil sa bigat ng emosyon sa mga mata ni Raven. Galit. Sakit. At isang bagay na ayaw niyang pangalanan.

Pangungulila ba?

“Things already changed after you left me,” patuloy ng lalaki. Tumayo ito at inayos ang boxer shorts. Napatitig siya sa matambok na bagay sa gitna ng hita nito, parang mas lumaki ito “I’m not that guy anymore.”

Tumitig si Raven sa kaniya—mata na mas malamig pa sa yelo. Tinulungan siya noon. Minahal siya noon. Pero ngayon… iba na.

“I don’t love you anymore, Jazeah Andres.”

At kasabay ng pagtama ng salitang iyon, parang may sumabog sa loob niya.

Nanatili siyang nakaupo sa sofa. Tahimik. Duon niya napagtanto kung gaano niya nasaktan ng sobra si Raven noon, hindi niya naman sinasadyang iwan ito 

Iniwan niya si Raven para mailigtas ito noon pero paano niya ito sasabihin sa lalaki gayong masama na ang loob nito sa kaniya

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
7 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status