PAG KATAPOS NILANG MAG hapunan ay nagkasundo silang uminom dahil pareho silang hapon na nagising kaya paniguradong hindi pa sila agad aantukin. May mga beer in can sa ref na napagdiskitahan ni Erika.Dinala nila sa labas ng bahay ang kawayang sofa. Pinag-tulungan nilang mailabas iyon. Gusto daw kasi ni Erika na mag star gazing. Kumuha na lang sila ng kumot saka unan nilabas din nila ang mesita saka pinag-patungan ng mga chitchirya at beer in can.Nakahiga sila sa sofa kahit na siksikan sila. Nakaunan ito sa mga bisig niya habang nakatingala sa langit habang umiinom ng alak.Napakaraming star sa langit dahil sa wala masyadong ulap at bilog na bilog ang buwan. Malamig ang hangin na dumadampi sa mga balat nila pero naiibsan non ang init na nagmumula sa katawan nila na magkayakap. Marami na silang napagkwentuhan. Tungkol sa mga stars at constillation at mukhang hindi naman ito naiinip sa pagkukwento niya dahil mukhang fascinated ito habang nakikinig sa kanya."Juancho..""Hmmm?""Mahal mo
Erika's POVSA ISANG restaurant sa loob ng mall siya nakipagkita kay Manolo.Nandoon na ito ng dumating siya.Agad na tumayo ito at nakangiting bumeso sa kanya ng makalapit siya. Hinayaan niya na ito."Akala ko di mo nako sisiputin e" makangiting anito"Well balak ko nga sana pero naisip ko na kailangang nating magusap""About us? Babalikan mo na ba ko?" Hopeful na anito."Tss. Di na ko magpapaligoy ligoy pa Manolo stop pestering me na! Dahil baka pagselosan ka pa ng asawa ko kung ano pa magawa ko sayo. And for your information wala akong balak makipagbalikan sayo." Sabi niya dito habang tinitignan ang menu.Natawa ito sa sinabi niya na ikinibit balikat niya lang "So.. Ibig sabihin talagang naka moved on kana sa'kin?" Hindi naman ito mukhang bitter, kaswal lang din ito kung magsalita."Yeah." Aniya sabay lapag ng menu. Pinagsalikop niya ang mga kamay at ipinatong iyon sa ibabaw ng lamesa.Ginaya naman siya nito. Nakangiti ito sa kanya. "Masasaktan ka ba kapag iniwan ka niya?" Napaismi
Juancho's POVNAPATIIM BAGANG SIYA ng makitang magyakap sina Manolo at Erika. Mukhang masayang masaya ang asawa niya.Napatingin siya sa hawak niyang kahita, bumili siya ng singsing dahil gusto niya mag propose kay Erika mamaya. Gusto niya kasing iayos ang lahat sa kanila ni Erika ngayong umamin na ito sa nararamdamn nito para sa kanya.Napadaan siya sa isang restaurant kanina at nakita si Erika na nakaupo sa loob, wala itong kasama. Tinawagan niya ito para sana surpresahin. Ang sabi nito ay si Jannah ang kasama nito pero para siyang namanhid ng makita niya lumapit at naupo sa harap nito si Manolo. Sinenyasan pa nito ang huli na wag maingay. Bakit? Bakit kailangan nitong ilihim sa kanya kung sino ang tunay na katagpo nito? Dahil ba may tinatago ito sa kanya? May relasyon pa ba ang dalawa?Nasaktan siya sa huling naisip niya. Napahigpit ang hawak niya.Sinundan niya ang dalawa hanggang parking lot at nakita niya ang sweert na tinginan at ngitian ng mga ito. Ang pagyakap dito ni Manolo
NAGMAMADALING sinundan niya ang asawa.Ginamit niya ang isang elavator dahil hindi niya na ito naabutan nang lumabas siya.Kailangan niyang makausap si Juancho. Mali ang iniisip nito sa kanya. Nasasaktan siya sa nakikitang sakit sa mga mata nito kanina. Kailangan nilang magkausap.Nang bumukas ang elevator ay agad siyang tumakbo sa parking lot. Agad niyang nakita si Juancho na bagsak ang mga balikat na naglalakad.Tumakbo siya at pinigilan ang braso nito."Baby wait!" hinihingal na awat niya dito.Halos madurog ang puso niya nang humarap ito sa kanya, basa ng luha ang mga mata nito at galit na nakatingin sa kanya.Malakas na iwinaksi nito ang kanyang kamay."M-Mag papaliwanag ako," natatarantang aniya dito na akma itong lalapitan pero umatras ito na parang may nakakahawa siyang sakit. Hindi niya pinansin ang kirot na naramdaman niya sa ginawa nito. "Mali ang--""Hindi na kailangan!" matigas na anito at akmang tatalikod ng muli niyang pigilan."Makinig ka nga sakin!" hindi niya napigil
ANG SABI NG Lolo niya nasa balakilong ang asawa niya sa log house na nasa gitna ng gubat na pagmamay-ari ng mga Capistrano.Halos isang oras ang byinahe niya dahil nasa dulo iyon ng San Ignacio.Lubak-lubak ang daan pero ayos lang.Nakarating na siya sa log house. Napaka ganda non at may munting garden sa gilid.Huminga muna siya ng malalim bago lumabas ng kotse niya.Konti nalang masisilayan niya na uli ang asawa niya. Sisiguraduhin niyang kasama niya ito pauwi. Miss na miss na niya ito.Naglakad siya papalapit sa pinto kahit abot abot ang kaba niya. Nang malapit na siya sa pinto ay may lumitaw na babae sa gilid ng bahay. Nakasuot ito ng malaking tshirt. Tshirt ng asawa niya!Tumalim ang tingin niya dito. Natatandaan niya ang mukha nito. Ito yung nagdala ng bopis sa bahay ni Juancho pero di niya matandaan ang pangalan.Halatang nagulat naman ito ng makita siya."Anong ginagawa mo dito? Asan ang asawa ko?" Mataray na tanong niya dito.Pumormal ang mukha nito at lumapit sa kanya."Tulo
NAG DRIVE SIYA PAUWI sa bahay ni Juancho na hilam sa luha. Muntik muntikan na siyang mabangga sa isang puno kanina.Bumaba siya sa sasakyan niya at nagmartsa papasok sa kabahayan.Pinag masdan niya ang bawat sulok. Hindi niya maiwasang masaktan at maiyak. Nilibot niya ang buong kabahayan. Nahinto siya sa sala kung saan lagi niyang pinanonood si Juancho na magbunot, parang nakikita niya pa doon si Juancho na nakingiti sa kanya at pawis na pawis na nagbubunot.Pumasok siya sa kusina. Andun din si Juancho nakatayo habang may apron at abalang nagluluto, lumingon ito sa kanya at nginitian siya. Umiiyak na nilapitan niya ito pero ng hahawakan niya ay bigla itong parang bula na nawala. Naitakip niya ang palad sa bibig para pigilan ang pagiyak agad siyang lumabas don para takbuhan ang katotohanan na wala na sa kanya si Juancho.Sino na ang magluluto ng almusal niya? Sino na ang kakain ng niluto niya kahit wala naman talagang lasa? Paano na siya? Paano siya magpapatuloy ng wala na ito?Pumasok
Erika's POVPASALAMPAK NA NAUPO siya sa couch ng condo niya. Namiss niya ito.Napangiti siya ng maalala ang paguusap nila ng daddy niya. Natutuwa siya na agad itong bumigay sa kaunting luha at sumbat na ginawa niya.Sa ngayon balik uli sa dati ang buhay niya. Nasa kanya na ang lahat ng credit cards niya at ang condo niya.2nd step on moving on:Improve yourself! Ckeck!From yagit to heredera na uli siya. Kaya naman next level na siya.3rd step on moving on:Get even to those who hurt you!At ang nangunguna sa listahan niya ay si Manolo.Lintik na lalaking yon. Sisiguraduhin niyang magbabayad ito sa kagaguhang ginawa nito sa kanya.Napa smirk siya.Dinampot niya ang cellphone niya at tinawagan ang kilala niyang private investigador. Kailangan niyang malaman ang lahat lahat ng mga bagay na makakatulong sa kanya para gantihan si Manolo.5 months later..KAKATAPOS NIYA LANG makipag meet sa isang investor at naging maayos naman ang meeting. Napakadali para sa kanya ang mang-engganyo ng mga
NAPASALAMPAK SIYA SA sahig habang hawak pa rin ang seradura.Nanginginig ang kamay niya.Para siyang galing sa marathon dahil sa pagkahapong nararamdaman.Nalamukos niya ang dibdib kung nasaan ang puso niya. Napakabilis ng tibok non kung hindi ba naman traydor!"Galit tayo sa kanya bakit ka tumitibok ng ganyan?" Umiiyak na tanong niya sa sarili saka pinagbabayo ang sariling dibdib. "Ang tanga tanga mo! Letse ka wala kang kwenta, napaka gaga mo!"Lahat ng sakit na gabi-gabi niyang iniiyakan ay mas dumoble ngayon. Kung pwede niya lang dukutin ang puso niya para mamanhid na siya gagawin niya.Nag ring ang cellphone niya hindi niya sana sasagutin yon pero mukhang walang balak tumigil ang kung sino mang-agaw eksenang tumatawag na yon. Kinuha niya yun mula sa handbag niya. Ang daddy niya pala ang tumatawag.Naipaikot niya na lang ang mga mata. Pinunasan niya ang mga luha saka ilang beses na tumikhim para mawala ang bara sa lalamunan niya."H-Hello dad?"Matagal bago ito sumagot "Are you cry
[A/N: Remember yung flashback ni Juancho sa first meeting nila ni Erika nung highschool? This is the point of view of Erika in that scene]PAPASOK NA SILA sa canteen ng may madapa sa harap niyang isang studyanteng lalaki. Payat at nakasalamin.Una niyang napansin ang maamong kulay tsokolate nitong mga mata na natatabingan ng tumabinging eyeglasses nito.Agad naman itong tumayo at nag mamadaling umalis sa harap niya.Nasa likod nito sila Brandon na sumunod din agad dito.Nag flying kiss pa sakanya si Brandon ng makita siya pero inirapan niya lang.Kasama niya sina Adrianna at Keila. Sabay sabay silang naupo sa pwesto nila na malayo sa mga ibang studyante na nasa canteen. Pina request niya kasi iyon sa lolo niya"Wala ka pang first kiss?" Eksaheradang tanong sakanya ni Adrianna. Isa sa mga plastic friend niya."What a loser" kantyaw din ni Keila sabay nakipag apir kay Adrianna.Naiinis siya. Feeling niya pinag kakaisahan siya ng dalawa. Palibhasa kaliwa't kanan ang mga boyfriend ng mga
"Mommmyyy!"Muntik na niyang mabitawan ang hawak na wire whisk ng marinig ang tili ng anak na si Emma"Bwisit!" Inis na mura niya"Bushit" napalingon siya sa anim na taong gulang nasi Aiden ang kakambal ng anak niyang si Emma."That's bad Aiden!" Saway niya dito"Mommy bad!" Sabi naman nito sa kanya na namewang pa at nakasimangot.Natawa siya. Kung hindi niya lang anak to baka kinutusan na niya."Mommmyy!" Muli narinig niya ang tili ng anak"Ano ba Emma?" Salubong niya dito ng pumasok ito sa kitchen na hingal na hingal"There's a bitch flirting with my daddyyyy!" Nag papapadyak pa ito ng paa. Habang nakasimangot sakanya"Stop it Emma! That's your Tita Apple. She's your daddy's friend" saway niya sa anak. Dumating kasi si Apple kanina para sa mga papeles na kailangan pirmahan ni Juancho. Naka leave kasi ang asawa niya dahil kabuwanan na niya. Anytime pwede na siyang manganak.Nag halukipkip naman si Emma at umismid sakanya. Napaka maldita nito at napaka tabil ng bibig madalas na mapata
Erika's POVNAGAWA NIYA ng linisin ang buong condo niya. Nakapag luto narin siya. Si Juancho na lang ang kulang.Alas otso na ng gabi pero wala pa ito. Nag uumpisa na siyang makaramdam ng takot. Mag hapon niya ito g hindi makontak tapos hanggang ngayon wala pa ito.Yung feeling na baka hindi na ito umuwi sa kanya ay halos ikabaliw na niya. Gustong gusto niya ng pag tatawagan ang mga kamag anak nito pero naalala niyang wala nga pala siyang kontak sa mga yon.Nahihilo na siya kakabalik balik ng lakad sa sala kaya naman sumalampak na siya sa sofa at binuksan ang tv. Pinipilit niya ibaling doon ang atensyon niya para makalimutan niya ang oras at hindi siya makaisip ng kung ano ano habang inaantay ang asawa."Uuwi siya" pag papalakas niya ng loob sa sarili. "Uuwi siya kung hindi palalayasin ko siya pag hindi siya umuwi ngayon kaya dapat umuwi siyang letse siya!" nangigigil na kinagat kagat niya ang dulo ng remote nalipat tuloy sa ibang chanel ang tv. Hindi niya na pinag kaabalahang ilipat
PAG DATING SA condo niya wala ang asawa niya doon.Sinubukan niyang tawagan ito pero hindi niya makontak. Agad siyang pumasok sa kwarto at nakahinga lang siya ng maluwag ng makitang nandoon pa ang maleta ng asawa. Naalala niyang sinabi nitong may pupuntahan ito kanina.Nilapitan niya ang luggage ni Juancho at hinila iyon papalapit sa kama. Ipinatong niya iyon sa ibabaw ng kama at binuksan. Napangiti siya ng makita kung gaano ka organize sa gamit si Juancho.Isa isa niyang inilabas ang mga gamit nito pilit tinupi ang ibang nagulo niya sa pag kakatupi. Feel na feel niya ang pagiging house wife.Lumapit siya sa walk in closet niya. Binuksan niya iyon at tinanggal ang ibang mga damit niya para mag kaespasyo ang mga damit ni Juancho. Gusto niya kasing ilagay na doon ang mga damit ng asawa niya. Gusto niyang ipakita dito na handa na siya.. Handa na siyang sumugal uli at pag bigyan ang sarili niya na lumigaya. Dahil kung patuloy siyang mag mamatigas, patuloy lang din silang masasaktan dalawa
MAINIT ANG ULO niya simula pa ng pumasok siya sa opisina kaninang umaga. Lahat nlang nasisigawan niya at tatlo na ang nasesesante niya dahil sa mga maliliit na kapalpakan ng mga ito.Naaburido na siya. Ayaw mawala sa isip niya ang mga sinabi ni Juancho sa kanya kagabi at ang weird na mga titig nito kaninang umaga sa kanya.Bakit ba nag iinarte ito ng ganoon? Dahil ba sa nalaman na nitong mali ang binta g nito sa kanya noon? Nakokonsensya na ba ito kaya nagiging weird ang mga kilos?'Why I have this feeling that he's leaving me again?!''And so? So what kung iwan ka niya ulit? Auaw mo naman na sa kanya diba?'Nasabunutan niya ang sarili. Kaya napatingin sa kanya ang mga staff niya na nag pepresent ng bagong interior ng bubuksang hotel sa El Nino Palawan."What?!" asik niya sa mga ito. Mabilis naman na nag iwas ng tingin sa kanya ang mga staff niya. Takot na mapag balingan niya ng galit.Imis na pilit niya nalang binaling sa presentation ang ate syon niya."Dont you think it will be pri
Erika's POVGISING SIYA nung Binuhat siya ni Juancho palabas ng kotse at dinala sa unit niya. Gising rin siya habang pinapalitan siya nito ng damit. Pero nanatili lang siyang nag tulug tulugan.Ayaw niyang matapos ang pag aasikaso nito sa kanya. Namiss niya iyon. Alam niyang napaka pathetic non pero hindi niya maiwasan. Mahal niya ang lalaking ito. Gustong gusto niya kapag bini-baby siya nito. Ito lang kasi ang nag alaga at nag asikaso sa kanya ng walang kapalit.Nag iinit ang sulok ng mata niya pero pinigilan niya ang sarili.Naramdaman niyang naupo ito sa tabi niya. Ramdam niya rin na tinititigan siya nito. At nabibingi siya sa lakas ng tibok ng puso niya. Gusto niyang dumilat. Hilahin ito pahiga sa tabi niya pero pinipigilan siya ng pride niya."I love you so much my princess.. I'm sorry for causing you so much pain.. I'm sorry for not believing you.." Umangat ang kamay niya at hinaplos ang pisngi nito " narinig niyang sabi nito. Totoo nga. Totoo nga na mararamdaman mo ang sinasabi
Juancho's POVKAHIT NAMAN sinabi niya na ok lang sa kanya kahit may kahati siya sa asawa hindi niya parin maiwasang masaktan. Masakit na makita mo yung taong mahal mo na nasa kandungan ng iba. Literal na nasa kandungan talaga ng iba. Sa isang lalaking alam niyang mas babagay kay Erika, yung lalaking mas better, yung lalaking kabaliktaran niya at yung hindi kasing boring niya.Pero anong karapatan niyang magalit at masaktan? Hindi ito mapupunta sa iba kung nakinig siya sa paliwanag nito noon.Napaka laki niyang gago. Lagi niyang sinasabi na mahal niya si Erika, na lahat ibibigay niya para dito. Pero hindi niya ito nabigyan ng chance para ipaliwanag ang sarili sa kanya nung mga panahong gusto nitong mag paliwanag. Hinayaan niya lang itong mawala at ipinag tabuyan niya pa.Nakalimutan niya kung gaano kahalaga si Erika sa buhay niya. Nakalimutan niya yung salitang 'tiwala' nung sinubok sila.Kaya ngayon anong karapatan niyang masaktan? Wala!Dahil mas nasaktan niya ito...Sinayang niya yu
Trevor's POV"TAMA na yan nakakarami kana!" inagaw ni Trevor ang baso kay Erika. Basya nalang itong dumating sa opisina niya dito sa club at inaya siyang uminom. Mukhang malaki ang problema nito ng dumating sa club niya kanina kaya hindi niya na naitaboy."Wag ka 'ngang epal!" Singhal nito sa kanya. Inis na muling inagaw nito ang baso sa kanya. "Alam mo isa ka pa e! Wala kang pakishama hik..! Shampalin kaya kita hik.." Dinuro duro siya nito gamit ang hawak nitong baso. Nakadalawang bote na ata ng martini ang naubos nito. Pero hindi pa daw ito lasing, ayon dito! Medyo umiikot lang daw ang paligid nito. Anito baka daw sila ang lasing! Kundi ba naman luka-luka. Napapailing na lang siya.Napapalatak na lang siya "Hindi ka pa lasing ng lagay na yan e, buyoy ka ng magsalita." Tatawa tawang inagaw niya uli ang baso dito.Matagal niya ng kakilala ito. Bukod sa naging ex niya ito nung college suki niya rin ito club niya. Ngayon niya lang ito nakitang nagpaka wasted sa isang lalaki. Curious tul
WALA NA SI Juancho paglabas niya ng banyo. Nakaramdam siya ng biglang panghihinayang."Bakit ka manghihinayang?! Naghahanap ka nanaman ng ikasasakit mo!" Inis natinanggal niya ang tuwalya na nakabalot sa katawan niya at ibinalibag na lang kung saan.Nag bihis na siya at nagayos ng sarili dahil papasok pa siya sa opisina.Paglabas niya ng kwarto niya sumalubong sa kanya ang mabangong amoy ng sinangag. Biglang kalam ang sikmura niya. Lumakad siya papunta sa kusina. At biglang kumabog ng malakas ang dibdib niya ng makita doon si Juancho na abala sa pagluluto. Nakaboxer lang ito at t-shirt na puti saka apron. Wala itong sapin sa paa. At home na at home sa bahay niya. Kung titignan mo itong kumilos parang ito ang mayari ng bahay niya.Nilingon siya nito at parang tumigil sa pag pump ang puso niya ng ngitian siya nito. "Maluluto na to. Upo kana." sabi nito bumaling uli sa ginagawa.Nagiinit ang sulok ng mata niya pero sinaway niya ang sarili. Bakit ba siya nagiging emosyonal?Para kang tang