Fei's POV "Manang, anong oras niyo nakita umalis si Gio?" tanong ko kay Manang Linda nang makasalubong ko siya na may dalang vacuum pagkababa ko ng hagdanan. "Maaga, Ma'am mga 6:30 kanina, hindi niyo ho ba namalayan?" Tumigil naman siya sa tapat ko. Umiling ako. "Hindi ho, eh... puyat na puyat ako ang lalim ng tulog ko kaya hindi ko na naulinigan kung anong oras siya nagising." "Siya, sige Ma'am papanik na ho ako kumain na kayo handa na ang agahan niyo kanina pa nasa lamesa tinakpan ko lang." Nagpaalam na rin siya kaagad dahil maglilinis pa siya ng mga kwarto. Tumango lang ako at tahimik ko na lang siyang sinundan ng tingin at nag-tungo na nga ako sa dinning room at may plato ngang nakataob sa lamesa at sa gilid ay kubyertos, plato ng mga pagkaing may takip. Naupo na ako sa pwesto ko at itinihaya ang plato ko at inayos ang kubyertos Pagbukas ko ng mga nakatakip na mga pagkain, may rice, mushroom beef na nasa lukom na lalagyan, sa kabila naman may kasamang sausage and sun
Terakhir Diperbarui : 2025-05-26 Baca selengkapnya