Fei's POV May ilang araw nang masama ang pakiramdam ko, nadalas akong mahilo lalo tuwing umaga kagaya na lang ngayon. "Ilang araw ka nang sinasamaan, hindi mo sinasabi sa asawa mo," nagaalala nang puna ni Manang. Kapag nandito si Gio, lakas-lakasan lang ako dahil ayokong mang-abala na naman siya ng mga doctor na titingin sa akin. "Ayos lang, Manang nahihilo lang naman ako, tapos sobrang antok ko gusto ko parating hihiga." Naupo ako sa bangko ng lamesa at sumandal at tumingala. Si Keira nasa taas lang ng kwarto nananahimik hindi masiyadong naglalalabas magmula noong manggaling din dito sina Ate Vina at Nikolai at mukang iniiwasan niya rin ako. Mas mabuti na rin siguro para hindi na kami parating nauuwi sa pagtatalo, iniisip na niya sigurado ang nalalapit niyang pag-uwi ng Pilipinas. Si Gio naman kapapasok lang sa opisina, naging abala rin ito noong mga nagdaang araw. Naging tahimik at payapa naman ang lahat, taliwas sasinasabi ng Ate Vina na manggugulo raw itong si Raj
Terakhir Diperbarui : 2025-06-02 Baca selengkapnya