Napasintedo si Eva sa nakikitang galit sa mga mata ng lalaki. Pakiramdam niya ay lalamunin siya nito ng buhay kapag pinagpatuloy pa niya ang kanyang pagmamaldita. Humugot ng malalim na hininga si Eva, pinapakalma niya ang sarili. Dahil kung gusto niya talagang mapapayag ang lalaki na kunin ang kaso niya ay kailangan niyang maging mabait dito. Katulad ng sinabi ng kanyang ina, ito lang ang natatanging pinakamagaling na abogado sa bansa. Kung gusto niya talagang manalo sa pagkuha ng mana niya ay kailangan niya ang tulong ng lalaki. "Okay, okay, Atty. Fuegerro. I know it's my fault throwing bills at your face and made you think like a whore. But please, let us not hold a grudge anymore, okay? This is not about what happened between us anymore, this is about me, your client." Mababa ang boses niyang sinabi, nagpapakumbaba. Sarkastikong ngumisi si Alas. Lumingo-lingo pa ang kanyang ulo na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ng babae. "Holding a grudge? Of course not, Ms. Cue
Terakhir Diperbarui : 2025-04-06 Baca selengkapnya