VERONICA Natigilan ako sa pagkain nang marinig ko ang sinabi ni Mommy Agnes. Napatingin ako kay Hugo na napahinto rin sa pagkain. Hindi ko alam, pero parang biglang kumulo ang dugo ko nang marinig ko ang pangalan ng babaeng 'yon. "Let's not talk about her, Mom. She's not important at all," sagot ni Hugo. Kunot-noo ko siyang tiningnan, pero mukhang wala lang sa kanya. "Nalaman ko lang kasi, sinabi ni Aaron. Anyway, kain na muna tayo. Mamaya, aalis kami ng Daddy mo—babisitahin namin si Pursha," sabi na lang ni Mommy Agnes. Hindi ko alam, pero hindi ko nagugustuhan ang narinig ko. Bakit parang umiiwas siya sa usapan? Bakit andun si Venice sa apartment niya? Nawalan na ako ng ganang kumain, pero nanatili pa rin ako sa mesa. I’ll just wait for them to leave. Ayaw kong mag-isip ng kung anu-ano. "Anak, aalis rin kami mamaya ng Daddy mo. May pupuntahan lang kami, at bukas ng umaga ay maaga rin ang flight namin. Wala ka bang balak na bumalik muna sa Pilipinas?" tanong ni Mommy. P
Last Updated : 2025-07-10 Read more