VERONICA Mas lalong kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Napatitig ako at hinintay ang susunod niyang sasabihin. "Anong pero?" tanong ko, bahagyang mataas ang boses. Napakamot si Hugo sa batok at halatang nagdadalawang-isip kung sasabihin ba o hindi. “Ano nga? Bakit ayaw mong sabihin agad? May tinatago ka ba, ha? Ano? Nagkabalikan na ba kayong dalawa?” umiiyak kong sabi. Ang bigat sa dibdib ko. Sunod-sunod na nagsilabasan ang mga luha ko. Nakakagalit siya—ayaw pang sabihin agad. “Babe, please, calm down. Wala kami. Walang nangyari, okay? Ayaw ko na sanang sabihin kasi baka lalo ka lang magalit. Ayaw kong magalit ka lalo na’t buntis ka, pero ayaw ko rin namang magsinungaling,” mahina niyang sabi habang hinila ako palapit sa kanya. So, nagsinungaling nga siya? “Tell me. Kung ano man ’yan, I’m willing to listen. Just please, ayoko ng ganito—na nagkakataguan tayo ng mga sikreto,” mahina at kalmado kong sabi. I prepared myself para sa kahit anong sasabihin ni Hugo
Last Updated : 2025-07-11 Read more