Ilang araw na ang nakalipas mag mula nang malaman ko ang tungkol sa pagkatao ko. I can't remember anything about my past, but Levi kept on telling me that it's my decision to run away from my family. Ang sabi niya ay hiniling ko iyon sa kaniya."I'm leaving. Are you sure you don't want to come with me?" muling tanong ni Levi nang lalabas na siya ng kuwarto. Hindi na rin kami masyadong nag-uusap, hindi ko kasi alam kung dapat ko ba talaga siyang pagkatiwalaan lalo na at wala akong maalala sa nakaraan ko."Y-eah. . . mag-iingat ka," paalala ko rito. Marahan siyang tumango bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Hinintay ko munang marinig ang pag-alis ng kotse niya bago tuluyang lumabas ng kuwarto."Mommy, bakit ngayon lang ka po lumabas? Daddy is waiting for you po kanina pa, but he left already," inosenteng sabi ng anak kong si Gavin. Marahan kong hinaplos ang buhok niya habang nakangiti rito."Napahaba ang tulog ni Mommy, e, pero hayaan mo at nag-usap naman kami ng daddy mo," I lied. I don'
Last Updated : 2025-04-28 Read more