CHAPTER 132Nanatili naman nga na tahimik si Jane at naghihintay nga siya sa sasabihin ni Jillian sa kanya.Isang malalim na buntong hininga naman muna ang pinakawalan ni Jillian at saka siya humarap kay Jane.“Jane, sa atin na lang sana muna itong sasabihin ko sa’yo ha. Humahanap pa kasi ako ng tamang tyempo para sabihin kay nanay ang tungkol dito,” sabi ni Jillian.“Ano ba kasi yan? Pinapakaba mo naman ako e. Sabihin mo na kasi kaagad,” naiinip naman na sabi ni Jane dahil pinapatagal pa nga ni Jillian ang nais nitong sabihin sa kanya.“J-Jane, may b-boyfriend na ako,” pag amin na nga ni Jillian.Napaawang na lamang nga ang bibig ni Jane dahil sa pagkagulat. Hindi kasi niya iyon inaasahan dahil wala naman ngang nababanggit si Jillian sa kanya na may nanliligaw dito.“B-boyfriend? S-sino? Bakit hindi ko yata nabalitaan na may nanliligaw sa’yo,” agad na tanong ni Jane at hindi nga siya makapaniwala sa kanyang narinig.“H-hindi ko na kasi nasabi pa sa’yo noon kasi nahihiya ako. At isa p
Last Updated : 2025-06-18 Read more