CHAPTER 118“M-Ms. Rose, masyado po yatang marami ito,” sabi ni Jillian.“Ganyan talaga, Jillian. Sige na itabi mo na iyan at ihahatid na kita,” sagot ni Rose at saka nga niya pinaandar ang kanyang sasakyan.Saglit lamang naman ang kanilang naging byahe papunta sa airport. At agad na nga na pinapasok ni Rose si Jillian tinulungan pa nga niya ito sa mga dapat nitong gawin sa loob dahil first time lang nga nito roon. “Basta pagkarating mo roon ay may sasalunong na sa iyo na galing sa kumpanya natin. Makikilala mo naman na iyon pagkarating mo roon,” bilin ni Rose kay Jillian ng matapos na nga sila sa mga kailangan nito at sasakay na nga ito sa eroplano.“Sige po, Ms. Rose,” tipid na sagot ni Jillian dito.“Mag iingat ka roon ha,” sabi pa ni Rose at saka nga ito umalis.Tinanaw na lamang nga ni Jillian ang papaalis na manager niya at napabuntong hininga na lang nga siya dahil sa totoo lang ay kinakabahan siya. Ito kasi ang unang beses na sasakay siya ng eroplano at pagkatapos ay nag iisa
Last Updated : 2025-06-11 Read more