CHAPTER 152“Salamat po… Salamat po dahil naniniwala po kayo sa akin. At kagaya nyo po ay umaasa po ako na isang araw ay babalik na po si Harold dito dahil sa totoo lang po ay miss na miss ko na po siya. Kung makausap nyo po sya pakisabi naman po na mahal na mahal ko sya at hihintayin ko po ang pagbabalik niya,” sabi ni Jillian sa ina ni Harold habang hilam ng luha ang kanyang mga mata.“Wag kang mag alala hija. Sasabihin ko iyan kay Harold kapag nakausap ko siya,” sagot ni Shirley. “Naku, mukhang kailangan mo ng bumalik sa kumpanya dahil baka malate ka na. Palagi kang mag iingat hija ha,” pagpapatuloy pa niya at napatingin na nga siya sa kanyang suot na relo dahil medyo napasarap na nga ang upo nila ni Jillian.“Ayy, oo nga po pala. May pasok pa pala ako. Mauuna na po ako sa inyo. Mag iingat dinpo kayo. At maraming maraming salamat po ulit,” sagot naman ni Jillian at agaf na nga siyang napatayo. Pero akmang aalis na nga sana siya ng bigla nga siyang hawakan sa kamay ni Shirley kaya n
Last Updated : 2025-06-28 Read more