“Son, let’s go, we should take a bath!” tawag ni Gainne sa anak. “Parating na si tito Cris, babalik tayo sa isla. Diba gusto mo iyon, maliligo tayo sa dagat ng magkasama.”Tumayo agad si Gyvanne at bumaba sa kama na hinigaan. Nagmamatigas na naman itong maligo. Ngunit nang marinig ang sinabi ng ama na babalik sa isla, agad itong gustong maligo.“Talaga papa, babalik na tayo sa isla?” humawak siya sa kamay ng ama saka marahan itong hinila patungo sa banyo. “Gusto ko na ulit mag-swim sa dagat papa.”“Oo, Gyvanne,” sagot ni Gainne. “Doon natin hintayin ang araw ng operasyon mo.”“Operasyon?” Tumigil si Gyvanne sa paglakad. Tumingala siya sa kanyang ama. “Papa natatakot ako, baka po hindi ko na kita makikita.”Bahagyang lumuhod si Gainne sa anak para magpantay ang kanilang mukha. “Hindi anak, makikita mo pa ako, matutulog ka lang naman tapos paggising mo nasa tabi mo ako.”Pangako papa.” Nilahad ni Gyvanne ang kanan kamay niya.Ganoon din ang ginawa ni Gainne. “Pangako nasa tabi moa ko pa
Last Updated : 2025-08-09 Read more