“Nakita kami ni Mahalia kanina,” entro ni Lando habang kumakain sila kasama si Gainne ng hapunan sa loob ng restaurant. “Sinabi na niya ang tungkol sa annulment.”Napatigil si Gainne sa pagsubo nang margining ang huling salitang binitiwan ni Lando. Ramdam na ramdam ng mag-asawa ang kalungkutan ng lalaki.“Kahit anong gawin niyang pamimilit huwag kang papayag. Hindi ka dapat pumerma,” tugon ni Tessa na kinangiti ni Gainne. “Malaki ang pinagbago ni Mahalia, at bilang naging ina niya, nararamdaman ko na may nangyayaring masama sa kanya.”“Anong ibig mong sabihin, nay?” tanong ni Gainne.“Basta… sa kinikilos niya kanina, alam kong may pinagdadaan siya,” sagot ni Tessa. “Alam mo na ba ang tungkol sa nangyari sa iyong ama?” balik tanong niya.Umiling si Gainne. “Bakit… anong nangyari sa kaniya?”Nagkatingin ang mag-asawa. Agad rin nilang ibinalik ang paningin sa kaharap.“Naaksidente siya kasama si Natassia sa Paris, iyon ang sabi ni Mahalia,” sagot ni Lando. “At wala na sila Gainne.”Bakas
Last Updated : 2025-06-08 Read more