Gumulong ang mga oras, sumapit ang dilim. Hindi mapakali si Mahalia habang hinintay niya ang kanyang ina at si Raine sa sala. Kinakabahan siya, hindi pa kasi ito bumalik simula nang umalis ito. Ayaw niyang mag-isip ng masama pero hindi niya mapigilan ang utak na ma-isip ng masama.“Ma’am Mahalia, hating gabi na, matulog na po kayo, nakakasama sa buntis ang iyong ginagawa, baka bukas pa po sila uuwi,” ani ng katulog na lumapit.“Wala bang binilin sa inyo si mommy, manang?” tanong niya.“Wala naman po,” sagot ng katulong. “Matulog na po kayo.”Bumuga si Mahalia ng hininga para pakalmahin ang sarili. “Matulog na rin po kayo,” saad niya bago niya nilampasan ang katulong. Umakyat siya sa hagdanan papunta sa kwarto niya. Humiga siya sa kama niya, tinakpan ang sariling katawan ng kumot saka ipinikit ang mga mata.Wala namin sigurong nangyaring masama sa kanila. Maybe she is paranoid for thinking negatively.Kinaumagahan, nagising si Mahalia, inunat niya ang kanyang sarili saka umupo sa kama.
Terakhir Diperbarui : 2025-05-31 Baca selengkapnya