Kabanata 123: Pang-aasarHindi naman tanga si Pearl para hindi maramdaman na tinutukso siya ni Sec. Ben. Mula pa lang sa tono nito, halata na ang pang-aasar.Bigla siyang tumayo, halatang pigil ang galit, at mariing sinabi, “Ikaw, isang aso lang na sumusunod kay Kent, tapos naglalakas-loob kang magpakita ng ngipin sa akin? Sa tingin mo, gusto mo pa bang magtrabaho pagkatapos nito?”Walang kahit anong emosyon sa mukha ni Sec. Ben nang sagutin siya. “Pasensya na po, Miss Pearl. Hindi po ako aso ni Sir Kent. Isa po akong sekretarya. Pero kung gusto ninyo ng aso, puwede naman po kayong bumili ipabili n’yo kay Sir Kent.”Namilog ang mga mata ni Pearl. Hindi niya akalaing sasagot siya ng gano’n ng isang simpleng sekretarya!“Anong sabi mo?!” sigaw niya at mabilis na inabot ang kamay niya para sampalin ito.Pero mabilis din si Sec. Ben, hinawakan nito ang pulso niya bago pa tumama ang kamay ni Pearl sa pisngi niya. “Miss Pearl,” malamig ang boses nito, “pakiusap lang, igalang n’yo ang saril
Last Updated : 2025-10-21 Read more