"Good luck, insan!" Nakangisi na pahabol ni Vincent kay Yael."Fuck you!" Hindi lumilingon na sagot ni Yael sa pang-asar ng kanyang pinsan. Kasalanan nito at ng abuelo kung bakit humantong sa ganito ang lahat. Ngayon siya nagsisi at nagpadala sa bugso ng damdamin at hindi agad nagtapat sa dalaga. Hindi niya akalain na mahulog siya sa pain ng abuelo gamit ang pasaway niyang pinsan. Nang makita niyang pumara ng taxi ang dalaga ay nilakihan niya ang hakbang ng mga paa."Hi ma'am, what a coincidence! Sana naman tuloy na ang pagsakay mo sa akin ngayon." Nakangiti na dumungaw ang ulo ng driver sa bintana ng sasakyan."Naudlot ang pagbukas sana ni Natasha sa pinto ng taxi. Namukhaan niya ang driver na siyang sasakyan niya rin sana noon. "Larga na Pare, hindi siya sasakay!""Na naman? Pag minamalas ka nga naman oh!" reklamo ng driver nang makita muli si Yael."Huwag kang umalis, sasakay ako!" Mabilis na binuksan ni Natasha ang pinto at pumasok sa loob. Maagap naman na naiharang ni Yael ang
Last Updated : 2025-04-29 Read more