"Pakiusap, Lucas. Kailangan magkita nina Tita George at Rizel. Lucas, pinsan ko si Rizel!" bulalas ni Gretel. "You remember, Rizel?!" takang-tanong ni Lucas sa dalaga. "Yeah, naalala ko siya. Hindi ba't temporary amnesia lang ang sakit ko. Nitong mga ilang araw may nakikita akong ilang mga imahe habang kumikirot ang aking ulo. I think, unti-unti ng bumabalik ang ilang mga memories ko. Maybe, sa tulong na rin ng isang general practitioner at sa ilang mga schedule ko sa aking neurologist." "That's good," sagot ni Lucas. Nagulat si Gretel nang biglang bumukas ang backseat kung saan siya naroon, kasabay ng pagbukas ng front seat kung saan pumasok si Hercules. Ngumiti sa kanya ang lalaki, she smiled at him, too. Muli, ibinaling niya ang tingin sa taong katabi niya, si Thirdy. Tahimik lang ito. Seryoso ang mukha. Nakakatakot ang awra nito. Kaya mas minabuti na lamang niyang tumahimik. Nakikinig lang siya sa usapan nina Hercules at Lucas. Napaka-awkward ng moments sa pagitan nila ni,
Terakhir Diperbarui : 2025-05-07 Baca selengkapnya