Damn! Kailangan niyang magpanggap na hindi niya nakikilala ang binata. Napasulyap siya sa kinaroroonan nina Celina at Lucas. Pagdakay napasulyap siya sa isang magandang Ginang na sa tingin niya'y ina ni Celina? Pasimpleng ibinaling niya ang tingin sa babaeng kasama ni Zairus. Lihim siyang nasaktan, palibhasay ito ay nawaglit sa kanyang alaala. Kung maaalala lang niya ang babae, hindi siya makaramdam ng ganoong sakit. Dahil nga may temporary amnesia siya, all she need to do is to face all the consequences. Lumapit siya kay Hercules at Celina. "Kailangan kong magpanggap na hindi ko siya nakikilala, please guys. I want the both of you to cooperate with me," pakiusap ni Gretel. Si Celina na kahit na nalilito ay napatango. Si Lucas ay napangiti at nailing. "If that's what you want, so be it," simpleng tugon ni Lucas. "Thank you," saad ni Gretel. Hanggang sa dumagsa ang ilang mga bisita sa party na iyon. Pansin ni Alina ang kakaibang tingin ni Thirdy sa babaeng kapanaog lang sa grand
Paano na lang ang anak niya na nasa sinapupunan niya ngayon? Damn! Muli, inayos niya ang kanyang maamong mukha. Matapang siya hindi ba? Kailangan niyang magpakatatag. Isa lang naman ang paraan. Ang tanggapin ang sakit at mag-move-on. Nag-retouch na lamang siya. Sisiguraduhin niyang blooming siyang tingnan. Pagkatapos ay napahaplos sa maliit niyang tiyan. Pero bakit wala naman yatang laman ang tiyan niya? Niloloko ba siya nina Lucas, Aialyn at Hercules? Dahil ang alam niya buntis siya. Hindi kaya—nakunan siya? Hindi lang sinasabi ng mga ito sa kanya dahil takot ang mga ito na masaktan siya? Damn! She need to confront them. Hindi siya papayag na wala siyang alam. Pero, agad rin niyang naalala ang sabi ng kanyang neurologist doctor na hindi pwedeng i-pressure niya ang sarili na maalala ang lahat dahil kusa namang babalik ang ilang mga alaala niya sa dahan-dahang proseso. Nagpakawala muna siya ng marahas na hininga bago tuluyang lumabas ng ladies room. Ngunit gano'n na lamang ang gulat
"Pakiusap, Lucas. Kailangan magkita nina Tita George at Rizel. Lucas, pinsan ko si Rizel!" bulalas ni Gretel. "You remember, Rizel?!" takang-tanong ni Lucas sa dalaga. "Yeah, naalala ko siya. Hindi ba't temporary amnesia lang ang sakit ko. Nitong mga ilang araw may nakikita akong ilang mga imahe habang kumikirot ang aking ulo. I think, unti-unti ng bumabalik ang ilang mga memories ko. Maybe, sa tulong na rin ng isang general practitioner at sa ilang mga schedule ko sa aking neurologist." "That's good," sagot ni Lucas. Nagulat si Gretel nang biglang bumukas ang backseat kung saan siya naroon, kasabay ng pagbukas ng front seat kung saan pumasok si Hercules. Ngumiti sa kanya ang lalaki, she smiled at him, too. Muli, ibinaling niya ang tingin sa taong katabi niya, si Thirdy. Tahimik lang ito. Seryoso ang mukha. Nakakatakot ang awra nito. Kaya mas minabuti na lamang niyang tumahimik. Nakikinig lang siya sa usapan nina Hercules at Lucas. Napaka-awkward ng moments sa pagitan nila ni,
Ilang beses na ba niyang napapansin ang tila peklat sa kanyang bandang may puson. Kasalukuyan siyang naliligo. Maingat na hinaplos niya iyon. Naaksidente ba siya dati? Hindi kaya kasali ito sa aksidenteng kanyang natamo nang magkaro'n siya ng temporary amnesia? Pagkatapos maligo ay agad siyang nagbihis. Pagdakay bumaba na siya sa living room. Natagpuan niya si Celina na tila balisa at panay pabalik-balik ng lakad. Tumikhim siya para agawin ang atensyon nito. Napasulyap ito sa kanyang gawi at nilapitan siya nito. "Gretel, there's a bad news. N—nakunan si Alina. Namatay ang isang sanggol na nasa kanyang sinapupunan," malungkot na saad ni Celina. Niyakap ni Gretel ang malungkot na si Celina. "I'm so sorry, kung hindi sana dahil sa'kin ay hindi mangyayari iyon. Patawarin niyo ako," malungkot na tugon niya kay Celina. "Like what I've told you before, wala kang kasalanan. Lahat ng mga nangyayari ay itinakda ng Dios para sa ikabubuti nating lahat. Masakit man pero kailangan nating harap
Agad na pinangko ni Lucas si Celina at dinala sa ospital. Damn it! Kailangan niya itong dalhin at baka mapaano pa ito. Buntis pa naman ang kanyang fiancee. Nakasunod lang sa kanya si Gretel. "Just stay right here, dito ka lang. I want you to relax. Ayokong ma-pressure ka, okay? Isa pa, alam kong hindi pababayaan ng Dios ang aking mag-ina." "Ikaw ang masusunod. Ipanalangin ko na lang ang safety nila. I am terrified sa balita," nanlulumong tugon ni Gretel. "Ako man," malungkot na tugon ni Lucas habang mabilis na tinungo ang garage. Naiwang lumuluha si Gretel. Sh*t! Hindi siya makapaniwala sa mga pagsubok na dumating sa dalawang sina Lucas at Celina. Nakakatakot, paano kung sa kanya iyon nangyari? Damn, hindi niya yata iyon kakayanin. Ngunit, kung kasama mo naman ang Dios sa kapighatian, alam niyang bibigyan siya ng Dios ng kapayapaan at katatagan ng isip at puso na hindi masabi ninumang tao. Pumikit na lamang siya at taimtim na nanalangin sa Dios para sa kaibigang si Celina na makaya
Hindi na nga nakayanan ni Gretel ang sarili at nagmamadali siyang tumayo at tinungo ang sink. Damn! At doon siya nagsusuka. Sa ganoon siyang tagpo nang maabutan ni Thirdy. Tila nanghihina si Gretel. Sh*t! Muli, nasuka na naman siya. Argh! Kunot-noo na nakamasid lang si Thirdy sa nagsusuka na si Gretel. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang bilugan nitong hita. Palibhasay nakatalikod ito sa kanya. Kitang-kita niya na hindi maganda ang pakiramdam nito. Imbes na magmukmok siya sa bar, he decided to visit the grapes production. Medyo nakainom siya, hindi niya alam kung bakit siya pumasok sa opisina ng dalaga ng walang paalam. Gulat na napalingon si Gretel sa lapastangang pumasok sa kanyang opisina. At dahil medyo nahihilo siya, hindi niya gaanong maaninag ang estranghero. "W—who are you?" "Hanggang ngayon, may amnesia ka pa rin o sadyang magaling ka lang magpanggap?" sarkastikong tugon ni Thirdy pagdakay tuluyang pumasok sa loob at ni-lock ang pinto ng naturang opisina at naupo siy
Lihim na nagpasalamat si Gretel nang malaman niyang dumating si Hercules para harapin si Mr. Co., si Hercules na ang bahala kung ano'ng excuse ang sasabihin nito sa hindi niya paglitaw sa pag-uusap na iyon. May tiwala naman siya kay Hercules. Halata rin namang siya ang pakay ni Mr. Co. Napasulyap siya sa pinto ng kanyang silid na ngayon ay nakasara kung saan kalalabas lang ng gag*ng si Thirdy. Yeah, the best na tawag dito ay gag*. Para sa kanya lang.Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at naisipan niyang tunguhin ang secret room ng kanyang kwarto kung saan naroon sina Tharia at ang Yaya nito. Mabuti na lamang at okay na ang anak niya. Ang swerte niya pa rin dahil may Tharia na siya, may isang anghel pa siya sa kanyang sinapupunan."Yaya, kumusta kayo dito?" nakangiting tanong ni Gretel sa yaya ng anak."Okay lang po kami, ma'am. Hindi naman po makulit na si Tharia.""Mabuti naman kung gano'n, by the way, sa sinasabi mong magpapaalam ka na talaga, sabagay, malaki naman rin s
Bago pa man mapa-DNA test ni Celina sina Thirdy at Tharia naunahan na siya ni Thirdy. Pero mas wais si Gretel. Kasalukuyang nasa isang ospital siya na kakilala ng mga Del Fuego. Ang Montenegro Hospital. "Are you sure?" paniniguro pa ni Lucas kay Gretel. "I am, Lucas. He didn't deserve to know the truth," inis na tugon ni Gretel sa kaibigan. "P—pero Gretel, bakit?!" gulat na tanong ni Celina sa kanya. "Is it because of his bad treatment upon you?" "Sinabi mo nga, Celina. Hindi mo alam kung ano'ng mga pinagdaanan kong mga insulto sa kapatid mo. This is how I will repay him. Wala siyang karapatan na alamin ang katotohanan. Hayaan natin siyang mabaliw sa kakaisip." Napasinghap si Celina. Wala na siyang magagawa, desisyon na iyon ng ina ng kanyang pamangkin. Siya man ay saksi sa ilang mga pang-iinsulto ng kapatid dito. Well, she will respect Gretel's decision. "Alright, hindi ko man alam ang buong kwento niyo. Pero umaasa akong magkakaayos rin kayo, I get your point. I think, you w
Tulad ng pangako nila sa mga anak, sinamahan nila ang mga ito sa ilang mga rides. Halos 18 rides din ang sinakyan ng mga ito at talagang walang pinalagpas. Naaaliw nga lang sila sa mukha ng anak nilang si Tinay. Umiiyak pagkatapos ay tumatawa sabay sigaw. Si Gretel ang taga-kuha ng ilang videos, si Thirdy naman sa ilang mga pictures. There's a lot of rides. Tulad na lamang ng: Star Flyer, Star Frisbee, Surf Dance, Jungle Splash, Wacky Worm, Mini Pirate Ship, Telecombat, Zyklon Loop, Dragon Express, Wild River, Viking, Magic Forest, Music Express, Spring Ride, Giant Wheel, Blizzard, Tornado and Top Dancer.Mga ilang oras din ang iginugol nila sa looban ng Star City. Hanggang sa dumating nga ang gabi. Lahat ng rides ay nasakyan ng kanilang mga anak. Ang resulta, pagod na pagod ang mga ito. Halata sa mga anyo ng mga ito. Nailing na lamang si Gretel sa hitsura ng mga anak. Halata ang pagod at antok sa mga mukha nito. "Dinner na tayo?" tanong ni Thirdy."Yes, daddy!" si Dianah sabay hik
2 years later..... Nakatitig si Gretel sa sariling repleksyon. Awa ng Panginoon naibalik ang tunay niyang mukha na siyang hindi niya inaasahan. Napasulyap siya sa frame kung saan kapwa sila nakangiti ni Thirdy. Their wedding day. Yes, last year pagkatapos niyang manganak sumabak siya sa isang critical na operasyon para lang maibalik ang kanyang mukha. Pagkatapos ay ikinasal sila. Hindi niya akalain, that facelift surgery can be repeated successfully more than once, kung kinakailangan. And she was surprised. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi nang marinig ang sunud-sunod na katok mula sa pinto ng kwartong kinaroroonan niya. Inaasahan na niya sina Tharia, Tinay at Dianah. Dinampot niya ang suklay at sinuklay ang mahaba niyang buhok. "Come in, girls." Mabilis na bumukas ang pinto at iniluwa nga roon ang tatlo. "Mom, dad's waiting for you downstairs," si Tharia. "Okay, malapit na ako matapos mga anak," ani Gretel sabay sulyap sa kanyang tatlong prinsesa na tulad din niya'y
"Sweetie, are you okay?" tanong agad ni Thirdy sa babaeng minamahal. "Ikaw talaga, ginulat mo 'ko. Parang walang amnesia ka lang, a, kung umasta," nakangiting tugon ni Gretel."Dahil, ayokong malungkot ka," sagot niya rito."Ang mabuti pa, tulungan mo nalang ako rito na dalhin ang mga niluto ko doon sa mesa," palatak ni Gretel nang nakangiti."Iyan lang pala? Sure!" Nakangising dinampot ni Thirdy ang ilang mga niluto ni Gretel at dinala sa round table kung saan naroon ang tatlo nilang prinsesa na naghihintay.Nakangiting pinagmamasdan ni Gretel si Thirdy. Hindi niya akalaing kung umasta ito ay parang wala lang. Hindi niya makakalimutan ang gabing kanilang pinagsaluhan. Sh*t! Naalala niya tuloy ang sinabi sa kanya ng mga kawaksi, blooming daw kasi siya. Argh! Siyempre, sino ba naman ang hindi maging blooming, e, nadiligan siya kagabi. Naks! At dahil sa isipin na 'yon, biglang nag-init ang magkabila niyang pisngi."Ma'am, 'yong tiyan niyo po ba ilang buwan na po 'yan?""Naku, manang hi
Nakatitig lang si Thirdy sa puting kisame habang nakahilata sa king size bed. He hated himself for not remembering anything. Tulad ng sabi ng kanyang kapatid, temporary lang naman daw ang pagkakaroon niya ng amnesia dahil sa painkillers na maintenance na iniinom niya.Ramdam niya ang kakaibang tibok ng kanyang puso nang masilayan ang larawan ng isang babae na nakita niya kanina. Inaalala niya ang sinabi ng batang si Tharia. Iyon daw ang dating mukha ng babaeng kaharap niya kanina. Gustuhin man niyang ipikit ang mga mata ay hindi niya magawa. Tanging hiling niya na sanay matapos na itong iniinom niyang painkiller. Mula sa sariling kama naisipan niyang bumalikwas ng bangon. Lumabas siya ng naturang kwarto. Tinungo niya ang living room, hindi niya inaasahang madatnan roon si Gretel. Ang fiancee niya kuno na kahit ano'ng gawin niyang alalahanin ito ay hindi niya maalala. Masasabi niyang mas pamilyar pa ang mukha no'ng babaeng nakita niya sa larawan.Nagulat si Gretel nang maramdaman ang
AAMININ niyang napuno ng galak ang kanyang puso nang makita ang lalaking minamahal. Pero hindi maipagkakaila ang ibang kinikilos nito. "Hindi ko pa nasasabi sa'yo ang bad news. Since nakita mo ang successful na operasyon ng kapatid ko, kung ano ngayon ang napapansin mo, 'yan ang bad news." "W—what do you mean?" kinakabahang tanong ni Gretel kay Celina. Nagpakawala ng isang marahas na hininga si Celina. "Dahil sa painkillers na ininom niya apektado ang kanyang memorya. I don't know kung ano ang pangalan ng naturang painkiller, but because of that the stem pain signals affecting chemical messengers in the brain. Na siyang naging dahilan ng pagkakaroon niya nang—amnesia." "N—no!" Malungkot na lumapit sina Tharia, Dianah at Tinay sa kanya. Dahil sa pagtrato ni Thirdy na tila hindi nito nakikilala ang mga anak. "Mommy, I think dad didn't recognize us," malungkot na tugon ni Tharia sa ina. Agad na nilapitan ni Celina ang mga pamangkin at niyakap ang mga ito. Ipinaliwanag niya kung
"Order ka na, sweetie." Nakangiting kinuha ni Tharia ang menu at mabilis na itinuro ang nais niyang kainin. "Mom, I want Creamy Parmesan Chicken Meatballs and Grilled Cheese Tomato Soup."Nakangiting napasulyap si Gretel sa waitress na nag-aabang din sa kanilang nais orderin. "Please give her what she wants, thank you.""Yes, ma'am.""Ikaw mom, ano ang iyo?" "Skillet Ravioli Lasagna is enough for me and pineapple juice, how about you, sweetie?" ani Gretel sa anak sabay sulyap sa nakangiting waitress."Same, mom. Pineapple juice.""Thank you, ma'am. A minute," nakangiting turan ng magandang waitress saka ito tumalikod palayo para ihanda ang kanilang order.Hindi naman nagtagal ay dumating ang order nila. Nilantakan agad ni Tharia ang masarap na dinner na nasa kanyang harapan. Magiliw na nakamasid lang si Gretel sa anak na halatang gutom na gutom.Hinarap niya na rin ang kanyang sariling pagkain. Napangiti siya at na-appreciate ang sarap ng naturang dinner nila. Makalipas ang ilang mi
"Ma'am, narito na po ang ilang mga papeles." "Pakilagay na lang dito sa office table ko, Steve." Napahilot si Gretel sa sariling sentido. Tambak na naman siya ng ilang mga papel. Hindi niya akalaing ganito pala kahirap ang trabaho ng kanyang minamahal. Sa ngayon, nag-iisip siya ng ilang mga ideya. At ang mindset niya ngayon, she need to ensure that the company has enough money to be successful and be able to meet it obligations. "Coffee, Ma'am?" si Steve. "Yes please, Steve. Please, 'yong creamier," ani niya rito. Muli, may kumatok sa pinto. "Come in," sagot niya. "Mom?" si Tharia. Kunot-noo na nag-angat ng tingin si Gretel. Nagulat siya nang makita ito. "Wala kang klase? Sino ang naghatid sa'yo rito, bakit hindi mo ako tinawagan?" sunod-sunod niyang tanong sa anak. "Ayokong ma istorbo kita, mom. Tita Niña is the one who drive me here," sagot ni Tharia. "Really?" hindi makapaniwalang turan niya sa anak. "Wala rin po kasing klase sina Trace. Since nakita niya ako, sinabay na
"Nice meeting you, Ms. Gomez," ani Mr. Hanz. Isa ito sa mga kliyente na kailangan niyang harapin to discuss the proposal."Glad to see you, Mr. Hanz. I am expecting an old man honestly. But I'm surprise na mali pala ako," nakangiting saad ni Gretel sa gwapong kliyente na wagas kung tumitig sa kanya. Naiilang man ay hindi niya iyon ipinahalata. Iniisip na lamang niya na parte iyon ng pagiging negosyante. Hindi iyon mawawala lalo na at siya ang acting CEO at sa posturang kagalang-galang na meron siya ngayon. She looks so professional and gorgeous. Halos hindi nga niya makilala ang sarili. Hindi nakaligtas sa paningin ni Steve ang kakaibang kilos ni Mr. Hanz. Siyempre, bilang isang loyal na assistant ng amo niyang si Thirdy, it was his obligation to take charge by some assholes obvious dumb actions towards the woman who loves his boss. "Hello, Mr. Hanz. I am Steve, Ms. Gomez assistant," magalang na tugon ni Steve pagdakay ibinigay rito ang ilang folders. Medyo nagulat si Gretel sa big
“Ngayon ang alis nila, ayaw mo bang ihatid man lamang ng tingin ang jet plane na kanilang sasakyan?” tanong ni Hercules sa kanya. “No, mas lalo lang akong masasaktan. Lalo na at hindi pa siya gising. Masakit sa part ko, Hercules. Specially sa mga bata rin.” Narinig niya ang marahas na buntong-hininga ng lalaking kausap. Nakatitig siya sa seryosong anyo nito. At nag-tama ang kanilang mga paningin. Matapang na sinalubong niya iyon. “I am ready to accept the offer. Iniisip ko na lang ang future ng mga anak namin. Total, para rin naman ito sa kanila.” “Glad to hear that, don't worry, Manong Abner will be the one who will pick them up from school while your under on a training.” "Salamat naman at may susundo sa mga bata kung gano'n, pwede bang dito sila ihatid?" "Sure, pwedeng-pwede." Medyo mahirap ang training pero pinakatatandaan iyon ni Gretel. Ginagawa niya ang lahat ng 'to para sa kanyang mga anak at sa taong kanyang minamahal. Napahaplos siya sa kanyang 'di-kalakihang tiyan.