Halos apatnapu't limang minuto rin ang oras na ginugol ni Eva sa loob ng banyong iyon.Kung maari nga lamang siyang mag tagal pa doon ay ginawa niya na habang tahimik na umuusal ng panalangin na sana, sa paglabas niya ng banyo ay wala na roon ang lalaki.Sigurado naman siyang nasa isang mamahaling hotel sila, base na rin sa ayos ng silid. Kung saang parte ng siyudad at kung paano siyang napunta roon mula sa bar kagabi, iyon ang hindi niya alam.Dahil unang-una ay wala naman sa plano niyang makipag one night stand kagabi, ay wala siyang napagpilian kung hindi isuot ulit ang parehong maikli at hapit na hapit sa katawang mini halter dress na suot niya rin kagabi.Matapos mag ayos ay sandali pa niyang nahigit ang pag hinga bago dahan-dahang binukasan ang pinto ng banyo saka tahimik na napamura nang makitang naroon pa rin ang lalaki.Kagaya niya ay nakabihis na rin ito, suot ang kulay abong long sleeve shirt at itim na slacks, nakatalikod ito sa kanya kaya’t mukhang hindi siya nito napansi
Dernière mise à jour : 2026-08-11 Read More