Compartir

Chapter 3

Autor: LalaRia
last update Fecha de publicación: 2026-08-13 00:59:59

Chapter 3

Pagpasok pa lamang sa loob ng apartment ni Eva ay agad siyang dumeretso sa kanyang kusina at nag timpla ng kape.

Habang si Nicole naman ay dumiretso sa kanyang ref upang kunin ng pinakatatago niyang red wine. Binalak niya pa sana itong sawayin ngunit sa itsura nito ay imposibleng makikinig ito sa kanya. Napabuntong hininga na lamang siya nang tabihan ito ni Roxane at ito na ang kumuha ng wine glass.

Napaisip tuloy siya kung gaano kataas ang alcohol tolerance ng kanyang mga kaibigan dahil mukhang hindi pa rin naging sapat ang dami ng nainom nila kagabi.

“So… I know it’s still early but we are still celebrating. With Eva’s expensive bottle of wine.” Naka ngising sabi ni Nicole sabay inangat ang boteng hawak nito.

Hindi naman nagpapigil si Shienna at halos makipag agawan pa ng wine glass kay Roxane.

“Okay, bago pa natin makalimutan, Eva… Magkwento ka na.” Sabi ni Shienna habang nagsasalin ng wine. Napairap naman siya dito saka pasalampak na naupo sa silyang nasa kanyang kitchen counter.

“Wala akong ikukuwento dahil, unang-una, wala akong maalala, and yes, the guy was gorgeous, probably rich too, but he’s an asshole, and I would love to never see him again.” Seeryosong sabi niya, napangisi naman si Shienna bago naupo rin sa silyang katabi niya.

“Yeah… Oo na nga… Napagusapan na nating gwapo siya, and judging from the limousine that brought you home today, tiyak na ngang mayaman siya. Ang gusto naming malaman eh kung magaling ba sa kama?”

Maarteng sabi ni Bryan na nakisalin rin ng wine. Napabuntong-hininga naman si Eva saka napakamot ng ulo.

“Do you think the guy forced you?” Biglang tanong ni Roxane dahilan upang sandali siyang mapaisip. Agad namang natawa si Shienna.

“Forced? Please… Sa itsura ng lalaking kasama ni Eva kagabi, imposibleng siya ang tipo ng lalaking mamu-mwersa ng babae para lang maikama ano. Come on Eva, give us something. Pilitin mong alalahanin.” Natatawang sabi nito saka nakipag cheers kay Nicole.

Tila naging alarm clock naman ang tunog ng nag bunguang wine glass, agad napatanga si Eva nang biglang sumagi sa isip niya nag ilan at hindi malinaw na parte ng kung anong nangyari kagabi.

“Hey! Careful!” Sabi ng isang baritonong boses nang hindi sinasadyang masagi ni Eva ang iniinom nitong whiskey.

Sandali pa siyang napatanga dito, at ang lalaking-lalaking amoy nito na hinaluan ng amoy ng sigarilyo ang una niyang napansin.

He smelled good… Almost intoxicating. Idagdag pang gwapo, matsio at matangkad ito.

“You should at least apologize.” Halos mag salubong ang kilay na sabi nito, inirapan naman ito ni Eva saka walang sabing inagaw ang whiskey na hawak nito.

“Nah… I am done apologizing. Graduate na ako ngayon and I feel like I can do everything I want. Alam mo gwapo ka…”

Sabi niya, naiiling namang napatitig na lamang sa kanya ang lalaki saka binawi ang alak na inagaw niya mula rito.

“You are drunk. Go home.” Sabi nito, ngunit sa halip na ma-offend ay tinawanan lamang ito ni Eva saka walang sabing ikinawit niya ang mga braso dito, muntik pa siyang matumba sa kalasingan ngunit hinayaan siya ng lalaki.

“You know, all my life, I’ve tried to be the perfect daughter, the perfect sister, the perfect student. But tonight? Tonight is the first time I’ve ever allowed myself to get this completely wasted. I guess I just wanted to know what it feels like to be a little reckless… to sin for once. And maybe…” Sandali siyang napangisi. “I wanted to find out what kind of trouble I could get myself into.”

Pabulong niyang sabi dito saka bahagya itong hinalikan sa leeg, napangisi naman ang lalaki bago ikinawit ang isang braso nito sa kanyang bewang. Napatitig pa dito si Eva saka ngumiti.

“Do you want to get the hell out of here?” Bulong niya.

Muntik mabitawan ni Eva ang hawak niyang tasa ng kape nang biglang mag play sa kanyang utak ang nangyari kagabi, agad namang nagtawanan ang kanyang mga kaibigan, samantalang mangiyak-ngiyak na napatitig na lamang si Eva kay Shienna.

“No… He didn’t force me… Ako ang nag-aya sa lalaking iyon kagabi. Oh my God, nakakahiya! What have I done? Papatayin ako ng parents natin, Shienna.”

Maluha-luha niyang sabi, tinawanan naman siya nito saka tumayo at kinuha ang kanyang kape at pinalitan iyon ng wine.

“Drink. And don’t worry… You know, you should be glad. Inabot ka ng edad na bente-kwartro bago mo isinuko ang virginity mo. I had my first experience when I was eighteen, and don’t worry about our parents, they don’t need to know. Tsaka ano pa bang magagawa nila? You managed to be as perfect as they ever asked you to be. It’s time for you to actually live your life now, Eva.”

Sasagot pa sana si Eva nang bigla siyang matigilan nang mag ring ang cellphone ni Shienna.

Sandali niya lamang kinausap ang tumawag saka siya nito tinitigan.

“Speaking of parents, mom just called. Pinapauwi tayong dalawa, dinner daw.” Sa hindi malamang dahilan ay agad nakaramdam ng kaba si Eva.

Wala namang bago, ganoon naman lagi ang pakiramdam niya sa tuwinang tatawag ang mga umampon sa kanya para pauwiin sila ni Shienna.

**

Matapos ang tawag ay naapagusapan nina Eva at Shienna na sabay na silang umuwi. Hindi sila paeho ng tinitirhan ni Shienna, sa isang malaking condo ito nakatira habang siya ay mas piniling sa isang murang apartment mag stay.

Hindi naman ganoon kalayuan ang Condo ni Shienna kaya hindi rin siya nag hintay dito ng matagal.

Mag a-alas otso nang makarating sila sa bahay ng kanilang parents. Nakailang ulit pa niyang nahigit ang sariling paghinga bago tuluyang buksan ang p***o ng sasakyan ni Shienna.

“Hey… Whatever happened in there tonight, just know that I’ll always have your back.” Sabi pa ni Shienna, tipid niya naman itong nginitian.

“I will be fine, Shienna. But thank you.” Sabi niya bago tuluyang bumaba.

Si Shienna ang bunso sa apat na anak nina Caleb at Rowena, ang magasawang umampon sa kanya noong mamatay ang parents niya. Tatlong taon lang angh tanda sa kanya ni Shienna, iyon yata ang dahilan kung bakit malapit sila sa isa’t-isa.

Mula pa man noong bata sila, alam ni Eva kung paano siyang palaging kampihan nito.

Unang lingo pa lamang kasi niya sa bahay na iyon ay ramdam niya nang ayaw sa kanya ni Rowena maging ng dalawa pang mga anak nito. Maliban kay Shawn, ang nagiisa at panganay na anak na lalaki ng mga De Vera, at syempre, kay Shienna.

Pagpasok pa lamang nila sa loob ng malaking bahay ay ang amoy ng masasarap na pagkain na agad ang bumungad sa kanila. Sa dining na rin sila agad dumiretso ni Shienna at gaya ng hinala nila kanina pa ay kumpleto na ang mga ito sa mesa.

“You are late, both of you.”

Masungit ang boses at hindi man lang nagabalang tapunan siya ng tingin ni Rowena, lumapit naman si Shienna dito saka ito hinalikan sa pisngi. Una namang nilapitan ni Eva ang padre de pamilya, si Caleb.

“Sorry dad… Traffic eh.” Pagsisinungaling ni Shienna na bahagya pang tumingin sa kanya, nanatili namang tahimik si Eva.

“Siya maupo na kayo habang mainit pa ang mga pagkain. Eva, congratulations on your graduation. We are proud of you.”

Nakangiting sabi ni Caleb saka inabot sa kanya ang isang paper bag na sa tantsa niya ang regalo ang laman. Alanganin namang tinangap iyon ni Eva saka tipid na numiti.”

“S-Salamat po.” Sabi niya, kakamustahin niya pa sana ito ngunit agad rin siyang natahimik nang magsalita si Rowena.

“Don’t think this dinner is for you, Eva. Oo nga at graduate ka na, but this celebration is for Shawn. Nakapasok na siya sa isang sikat na law firm, and soon, your sisters will be too. Kung hindi ka ba naman nagpumilit sa gusto mong kursong Business Management, eh ‘di sana’t abogada ka na rin.”

Sabi nito, sa ilang taon niyang kasama ang mga ito ay halos nasanay na siya sa pagkumpara nito sa kanya sa mga anak nito. Kaya lang kahit anong pagkasanay niya ay hindi pa rin niya itatanging nasasaktan pa rin naman siya. Agad natigil sa pag subo ng pagkain si Eva saka alanganing tinapunan ng tingin si Caleb.

“Ma… ‘yan ka nanaman, si Eva nanaman pagiinitan mo. Hindi mo naman pwedeng ipilit sa kanya ang gusto mo. Hindi komo abogado at abogada ang mga anak mo ay dapat ganoon rin si Eva.”

Singit ni Shienna, sinamaan naman ito ng tingin ni Ashley, nakatatanda nitong kapatid.

“Huwag mo ngang sinasagot si mommy ng ganyan.” Saway nito.

“Hindi ko sinasagot si mommy. Ang sinasabi ko lang hayaan niyo si Eva. Isa pa, bakit si Eva lang ang pinapagalitan niyo eh mabuti nga’t graduate, ako ang dapat niyong i-hot seat. Hello… Drop out here.” Mataray na sagot ni Shienna sa kapatid nito.

Dahil sa mga naging sagutan ng mga ito ay lalo lamang nailang si Eva. Naroon nanaman kasi ang pakiramdam na hindi siya kabilang sa mga ito.

“Choice mong mag drop-out sa college at atupagin iyang pag mo-model mo.” Singit naman ni Blaire, isa pa sa mga kapatid ni Shienna.

“Oh bakit? Kahit minsan ba narinig niyo akong nagreklamo? Minsan ba may sinisi ako sa inyo? Ni minsan ba nakita niyong pinagsisihan kong pinili ko ang modeling kesa maging lawyer rin gaya niyo?”

Bakas na ang inis sa tinig na sabi ni Shienna saka sinamaan ng tingin ang dalawang kapatid na babae.

Mabilis namang pumagitna ni Shawn at sinaway ang mga ito habang si Caleb naman ay napahilot na lamang sa sintido.

“This is your fault.” Biglang sabi sa kanya ni Rowena, napayoko na lamang naman si Eva saka bumulong.

“I’m sorry…”

Ngunit tila hindi pa natapos si Shienna at siya naman ang pinagalitan nito.

“No. No Eva you do not apologize! None of this is your fault. At ma, lagi na lang ba tayong ganito? You will invite us to go home again and again for this? None of this is Eva’s fault ma.”

“No! She’s an outsider and she will never be part of this family!” Halos pasigaw nang sabi ni Rowena. Pigil naman ang luhang napatayo na lamang si Eva saka nagpaalam nang aalis.

Hindi naman siya pinansin ni Shienna, sa halip ay napatayo na rin ito’t hinarap ang ina.

“Hindi ma! Mula nang nagdesisyon kayo ni dad na amponin si Eva, she’s been part of this family then! At hindi magkakaroon ng katahimikan ang pamilyang ‘to hangga’t hindi ninyo natatangap ‘yon!”

Bakas ang galit sa boses na sabi ni Shienna, wala sa sarili namang napahawak na lamang si Eva sa braso nito saka mahinang nagsalita.

“Shienna… Tama na… Ayokong ako nanaman ang dahilan ng gulo. Aalis nalang ako.”

Sabi niya saka tinapunan ng tingin ang lalaking umampon sa kanya bago nag pilit ng ngiti.

“Sorry po…” Iyon lamang at nagmamadali nang umalis si Eva.

Hindi pa man nakakalabas ng bahay ng mag De Vera ay naramdaman niyang nakasunod na sa kanya si Shienna.

Sa Condo ni Shienna sila tumuloy patapos ng gabing iyon. Tulad ng dati ay hindi na rin nila pinagusapan pa ni Shienna ang tungkol sa nangyari.

Mula pa man dati ay ganoon sila lagi. Magagalit si Rowena sa kay Eva pati ang dalawang kapatid nito, habang si Shawn ang papagitna at si Shienna ang magtatangol sa kanya.

Si Caleb naman ay haharapin si Rowena.

Buong buhay niya mula noong napunta siya sa poder ng mag De Vera ay wala siyang ginusto kung hindi ang bigyan ang mga ito ng dahilan upang matangap siya, kaya lang kahit ano pa yata ang gawin niya ay hindi an mangyayari ‘yon.

Mapait na napangiti si Eva dahil sa isiping iyon saka sinipa-sipa ang kumot na nakabalot sa kanyang katawan bago bumangon mula sa pagkakahiga sa kama.

Dumiretso siya sa kusina at nag hanap ng maiinom at tanging malamig na beer lamang ang nakita niya sa ref ni Shienna. Naiiling siyang napabuntong-hininga saka kumuha ng isang bote’t binuksan saka siya nagpunta sa sala’t doon tumambay.

Halos makalahati niya na ang isang bote ng beeer nang tabihan siya ni Shienna.

“Magiging okay rin ang lahat, Ev. Huwag mong masyadong damdamin ah?”

Sabi nito saka nagbukas rin ng bote ng beer. Nagpilit naman siya ng ngiti saka umiling.

“The night my parents died, your father was the one who pulled me out of the closet where I was hiding.”

Sabi niya, agad namang natigilan si Shienna. Hindi naman niya ito masisi. Ilang taon na silang close nito pero kahit minsan ay hindi siya nagkwento dito tungkol sa nakaraan niya.

Nanatili itong tahimik habang titig na titig sa kanya, muli namang nag pilit ng ngiti si Eva saka muling nagsalita.

“Naalala ko pa noon, I was seven… Katatapos lang namin mag dinner noon, inutusan ni mama ang isa sa mga katulong na magluto ng pop corn kasi manunuod kami ng movie. Cinderella…” Sabi niya saka uminom ng alak. Tinapunan niya pa ng tingin si Shienna saka nagpatuloy sa pag kwento.

“Naalala kong naguumpisa palang ang palabas noon, binuhat ako ni mama saka niyakap sa tabi niya, habang naghihintay sa pop corn. I was enjoying the movie and what could be my mother’s last hugs and kisses nang marining ko ang ingay ng mga sasakyan sa labas, kasabay ng sunod-sunod na putok ng baril maging ang pagbagsak sa sahig ng sala ng maid na inutusan ni mama.” Hindi na napigil ni Eva nang kumawala ang impit na iyak sa kanyang lalamunan saka marahang pinahid ang luha sa kanyang pisngi.

Hinimas naman ni Shienna ang kanyang balikat ngunit nanatili itong tahimik.

“Tapos ‘non, hiningal na pumasok si papa mula sala garahe, inagaw niya ako mula kay mama saka inabot sa akin ang isang lumang teddy bear. Hold on to it, Eva… Sabi niya. Kahit anong mangyari huwag na huwag mo ‘tong iwawala at lagi mong tandaan, mahal na mahal ka namin ng mama mo. Those were my father’s last words bago niya ako ibinalik kay mama, si mama naman, kinarga ako sa kwarto saka itinago ako sa cabinet. At mula sa loob ng cabinet na ‘yon nakita kung paano silang pinatay. I stayed inside that cabinet for hours bago dumating ang mga pulis kasama ang tatay mo. The next day I was in the police station and 2 days after that I was in my parent’s funeral. The next day I was at your house. And the days, months and years after that, ang anim na sunod-sunod na putok ng baril na bumawi sa buhay ng mga magulang ko ang naging taga gising ko sa umaga, so no… Shienna… Everything will not be okay.”

Pagtatapos niya sa kwento, walang sabi namang hinila siya ni Shienna palapit saka siya mahigpit na niyakap, at doon niya lamang hinayaan ang sariling niyang umiyak nang umiyak.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Smokes And Submission   Chapter 3

    Chapter 3Pagpasok pa lamang sa loob ng apartment ni Eva ay agad siyang dumeretso sa kanyang kusina at nag timpla ng kape.Habang si Nicole naman ay dumiretso sa kanyang ref upang kunin ng pinakatatago niyang red wine. Binalak niya pa sana itong sawayin ngunit sa itsura nito ay imposibleng makikinig ito sa kanya. Napabuntong hininga na lamang siya nang tabihan ito ni Roxane at ito na ang kumuha ng wine glass.Napaisip tuloy siya kung gaano kataas ang alcohol tolerance ng kanyang mga kaibigan dahil mukhang hindi pa rin naging sapat ang dami ng nainom nila kagabi.“So… I know it’s still early but we are still celebrating. With Eva’s expensive bottle of wine.” Naka ngising sabi ni Nicole sabay inangat ang boteng hawak nito.Hindi naman nagpapigil si Shienna at halos makipag agawan pa ng wine glass kay Roxane.“Okay, bago pa natin makalimutan, Eva… Magkwento ka na.” Sabi ni Shienna habang nagsasalin ng wine. Napairap naman siya dito saka pasalampak na naupo sa silyang nasa kanyang kitchen

  • Smokes And Submission   Chapter 2

    Halos apatnapu't limang minuto rin ang oras na ginugol ni Eva sa loob ng banyong iyon.Kung maari nga lamang siyang mag tagal pa doon ay ginawa niya na habang tahimik na umuusal ng panalangin na sana, sa paglabas niya ng banyo ay wala na roon ang lalaki.Sigurado naman siyang nasa isang mamahaling hotel sila, base na rin sa ayos ng silid. Kung saang parte ng siyudad at kung paano siyang napunta roon mula sa bar kagabi, iyon ang hindi niya alam.Dahil unang-una ay wala naman sa plano niyang makipag one night stand kagabi, ay wala siyang napagpilian kung hindi isuot ulit ang parehong maikli at hapit na hapit sa katawang mini halter dress na suot niya rin kagabi.Matapos mag ayos ay sandali pa niyang nahigit ang pag hinga bago dahan-dahang binukasan ang pinto ng banyo saka tahimik na napamura nang makitang naroon pa rin ang lalaki.Kagaya niya ay nakabihis na rin ito, suot ang kulay abong long sleeve shirt at itim na slacks, nakatalikod ito sa kanya kaya’t mukhang hindi siya nito napansi

  • Smokes And Submission   Chapter 1

    “MAG TAGO KA SA LOOB NG CABINET! BILIS! HUWAG NA HUWAG KANG GAGAWA NG KAHIT NA ANONG INGAY PARATING NA SILA!” Bakas ang taranta at pagaalala sa tinig na sabi ng kanyang ina, dama niya rin ang panginginig ng katawan nitong nakayakap sa kanya.“Pero Mommy… Si Dad-” “Wala nang oras! Naalala mo ang lagi nating pina-practice ni daddy mo hindi ba? Eto na ‘yon anak. Takbo!” Putol nito sa sasabihin niya wala naman nang nagawa pa si Eva kundi ang ang humagulgol ng iyak nang itulak siya palayo ng kanyang ina saka pilit siyang ipinasok sa loob ng kabinet.Sa edad na pitong gulang ay alam niya at naiintindihan niyang ang madilim na kabinet lamang na iyon ang tanging ligtas na lugar para sa kanya.Nagpilit pa ng ngiti ang kanyang ina bago siya nito halikan sa pisngi saka isinara ang pinto ng kabinet.Wala pa mang ilang minuto nang makarinig siya ng malakas na kalabog mula sa labas, nasundan iyon ng malalakas na sigawan, ngunit sa lahat ng ingay na iyon ay ang boses lamang ng kanyang ama ang tangi

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status