Mag-log inHalos apatnapu't limang minuto rin ang oras na ginugol ni Eva sa loob ng banyong iyon.
Kung maari nga lamang siyang mag tagal pa doon ay ginawa niya na habang tahimik na umuusal ng panalangin na sana, sa paglabas niya ng banyo ay wala na roon ang lalaki.
Sigurado naman siyang nasa isang mamahaling hotel sila, base na rin sa ayos ng silid. Kung saang parte ng siyudad at kung paano siyang napunta roon mula sa bar kagabi, iyon ang hindi niya alam.
Dahil unang-una ay wala naman sa plano niyang makipag one night stand kagabi, ay wala siyang napagpilian kung hindi isuot ulit ang parehong maikli at hapit na hapit sa katawang mini halter dress na suot niya rin kagabi.
Matapos mag ayos ay sandali pa niyang nahigit ang pag hinga bago dahan-dahang binukasan ang p***o ng banyo saka tahimik na napamura nang makitang naroon pa rin ang lalaki.
Kagaya niya ay nakabihis na rin ito, suot ang kulay abong long sleeve shirt at itim na slacks, nakatalikod ito sa kanya kaya’t mukhang hindi siya nito napansin.
Sandali pang nag isip si Eva kung paano nga ba siyang napasama sa lalaking ito kagabi.
Sigurado siyang alam niya ang pangalan nito, kaya lamang ay hindi niya na maalala. Paano niya pa nga ba namang maaalala ang detalyeng iyon ni hindi niya nga malaman kung nasaan sila’t kung paano niya nagawang iwan si Shienna sa bar kagabi.
Mariin siyang napapikit saka tahimik na naglakad palapit sa bedside table kung nasaan ang kanyang bag, ilang hakbang na lamang bago siya tuluyang makalapit doon nang mag ring ang cellphone ng lalaki, nakatalikod pa rin ito nang sagutin nito ang tawag.
“Don’t move the shipment until I give the order. I’ll be there in thirty minutes. Nobody touches it before I arrive.”
Order?
Sandaling napakunot ang noo ni Eva nang marinig ang sinabi ng lalaki. Sa paraan ng pananalita nito ay sigurado siyang hindi ito normal na tao lang.
Boss kaya?
Malamang sa hindi ay boss nga ito ng kung anong kompanya o kung anong negosyo, lalo pa’t bukod sa paraan ng pananalita’t tindig nito ay mukhang hindi rin ito nag abalang hintayin ang sagot ng kausap at basta na lamang pinatay ang tawag.
Or maybe e’s just rude?
Bulong niya sa sarili saka napangisi sabay hinablot ang kanyang bag. Tatalikod na sana siya’t handa nang magtatakbo sa p***o ng hotel room na iyon nang agad siyang matigilan nang humarap ito bigla.
“Don’t leave too quickly, you don’t have a car, ihahatid na kita.”
Walang imosyong sabi nito, hindi tuloy malaman ni Eva kung nag bibiro lamang ito o sadyang seryoso sa alok nitong ihatid siya.
“H-hindi na… I’m sure we’re still in the city. I’ll just take a taxi.”
Sagot niya habang pilit pinapantayan ang lamig ng tono ng pananalita nito. Agad naman itong napa angat ng kilay nang pasadahan siya nito ng tingin mula ulo hangang paa. Hindi niya tuloy mapigilan ang huwag ma concious.
“Anong tini-tingin mo?”
Tanong niya saka wala sa sariling tiningnan rin ang sarili.
“You’re going out wearing that?”
Tanong nito. Agad naman siyang napakagat-labi saka alanganing tumango.
“I-I think so? Kinaya ko namang lumabas ng ganito kagabi, I’m sure it wouldn’t make any difference now.”
Sagot niya, kahit ang totoo lamang naman ay hindi alanganin rin siya doon. Kagabi, kinaya niyang lumabas ng masyadong daring and suot dahil ayon kay Shienna ay sa bar sila pupunta at hindi sa kumbento. Isa pa, gabi yon, madilim kaya hindi masayong pansin at wala masyadong tao. Iba ngayon.
Mukhang nahalata naman ng lalaki ang pag aalangan niya, nakita niya pa kung paano itong napangisi saka nag angat ng kilay.
“That’s what I thought. Ihahatid na kita.” Sabi nito, mabilis namang napailing si Eva bilang pagtutol.
“Ayos lang, hindi na talaga. And you said it yourself when you were on the phone earlier. You’ll be there in thirty minutes, and I don’t want to keep you. Isa pa, I can handle myself. You don’t need to worry.”
“I am not worried about you.” Biglang sabi nito dahilan ng kanyang pagkapahiya.
“I’m only offering a little help. Consider it a small act of kindness to repay you for the gift you gave me last night.”
Sabi nito, sandali naman siyang naguluhan sa ibig nitong sabihin, at kung hindi pa nito ituro ang maliit na mantsa ng dugo sa putting kobre kama ay hindi niya pa maiintindighan.
Oo nga pala… Walang pangingimi niya nga palang isinuko ang kanyang sarili sa lalaking ito kagabi, at kung alam niya lamang na ganito pala ito ka antipatiko, ay hindi niya na sana ito pinagtuonan ng pansin.
Oo nga at gwapo ito, macho, matangkad at mukhang mayaman pero antipatiko. Ganoon nga ba siya kalasing kagabi’t bigla siyang nakalimot?
“You are an ass.”
Sabi ni Eva bago niya pa man mapigilan ang kanyang sarili. Agad namang napa angat ang kilay ng lalaki saka ngumisi.
“I am saying thank you here-”
“If that’s your way of saying thank you, then keep it to yourself. Aalis na ako.”
Hindi na itinago pa ni Eva ang inis sa tinig saka ito sinamaan ng tingin. Napailing naman ang lalaki at halatang hindi alam ang ikinagagalit niya. Hindi naman na hinintay pa ni Eva ang sagot nito at mabilis nang nag lakad sa p***o. Pipihitin niya pa lamang sana ang door knob nang muli itong mag salita.
“Okay, fine. Kung ayaw mong ihatid kita…” Sabi nito, muli niya naman itong tinapunan ng tingin saka tahimik na pinanood na kunin nito ang kulay itim nitong Tuxedo at iabot sa kanya, kasama ang isang itim at gold na card na may nakatatak na sa tantsa niya ay logo ng hotel kung nasaan sila.
“Here. Cover yourself with this. Give the card to the hotel reception desk and tell them you need a car. They’ll take you wherever you want to go.”
Seryosong sabi nito, alanganin namang inabot ni Eva ang ibinibigay ng lalaki habang halos magsalubong ang kanyang mga kilay sa pagtataka.
Para saan ang card?
Bakit mayroon siya noon? Regular costumer kaya ito doon?
Gustohin mang mag tanong ni Eva ay pinili niya na lamang tumango saka ito tinitigan.
Bukod doon ay nilalamon rin siya ng kanyang kuryosidad, gusto niyang itanong ang pangalan nito ngunit sigurado rin naman siyang hindi na sila ulit magkkita.
Sana…
Tahimik niyang bulong sa sarili saka nag pilit ng ngiti.
“Salamat.”
Iyon lamang ang sinabi niya saka nagmamadali nang lumabas ng hotel room na iyon habang isinusuot ang Tux na ibinigay nito.
Nang malapit na siya sa reception area ay saka niya lamang din binigyan ng attention ang itim at gold na card.
“Solara Crest hotel…”
Basa niya saka napabuntong-hininga. Kaya naman pala sa hotel room pa lamang ay ramdam niya nang mamahalin, nasa Solara pala sila.
Isa sa pinaka mahal at Luxury hotel sa buong siyudad. Kung kaya ng lalaking iyon na mag stay sa ganitong lugar kasama siya kagabi, malamang sa hindi ay mayaman ito. Lalo lamang namang na-curious si Eva sa katauhan ng lalaking kasama niya kagabi dahil sa isiping iyon.
Gaya ng sabi nito ay ibinigay niya ang card sa isa sa mga staff sa reception desk, nagtaka pa siya nang wala man lang kahit isang naging tanong ang staff at agad siyang binigyan ng driver at inalalayang makasakay sa isang magarang Limousine.
Pagdating sa building ng kanyang apartment ay ganoon pa rin ang sitema, ni hindi man lang nag abalang mag tanong ang driver, nginitian lamang siya nito nang sabihin niya sa kung saan ang kanynag destinasyon at isang tipid na ngiti rin nang magpasalamat siya rito bago siya bumaba.
“Hoy babae ka! Sinong kasama mo kagabi? Mukhang bigatin at naka Limousine kang hinatid.”
Muntik pang mapatalon sa gulat si Eva nang akbayan siya ni Roxane habang papasok siya sa kanyang apartment building. Habang si Nicole at Bryan naman ay tinabihan siya sa paglalakad.
“Anong ginagawa niyo dito?”
Takang tanong niya sa mga ito, kabilang sa kakaunti niyang mga kaibigan sina Roxane, Nicole at Bryan. Nakilala niya ang mga ito dahil kay Shienna.
“Tinawagan kami ng kapatid mo, ang bruha may tsika raw tungkol sa lalaking kasama mo kagabi, kaloka ka… Ang gwapo daw ah? At mukhang bigatin nga, gaya ng sabi ni Roxane, Limousine ba naman.”
Sabi ni Bryan na sinamahan pa ng patikwas-tikwas ng kamay. Bakla si Bryan, ang nag iisang kikay sa kanilang circle of friends.
“Aba… Kelan pa naging news of the town ang pakikipag one-night stand nitong si Eva? Alam niyo, hayaan natin siya. It’s not our business to begin with.”
Naiiling na saway ni Nicole, napangiti pa sana siya sa pagiging understanding nito, kaya lamang ay muli itong nagsalita.
“Pero gwapo ba? Anong pangalan? Magaling ba?” Natatawang sabi nito.
Magpapasalamat na sana siya dito dahil buong akala niya ay may isang matino sa mga kaibigan niya
Kay Shienna pa lamang kasi ay konsumido na si Eva.
Aba’t literal na ‘she invited more people to witness her humiliation’ ang naging datingan si Shienna, na para bang isang malaking himala na sa edad na bente-kwartro ay sa wakas naisipan niyang maging wild at gumawa ng mali.
Hindi niya naman masisi ang mga ito, buong buhay niya yata mula noong kupkupin siya ng pamilya ni Shienna ay pinilit niyang mabuhay sa tama, maging perpekto.
‘Eva, kaunti nalang magiging santa ka na.” Iyon ang madalas na biro ni Shienna na madalas niya ring binabalewala.
Malaki ang utang na loob niya sa pamilya ni Shienna, at ang makagawa ng kahit na anong ikaka-dissapoint ng mga ito sa kanya ang iniiwasan niya.
“Bilisan niyo na ngang mag lakad nang makapag kwento na si Eva.”
Natatawang sabi ni Roxane, napairap naman siya sa mga ito.
“What makes you all think na mag kukwento ako?” Pambabara niya sa mga kaibigan saka natawa nang halos matanaw si Shienna, nakaupo ito sa tapat ng p***o ng kanyang apartment at halatang inip na inip na sa pag hihintay sa kanya.
Mabilis namang dinukot ni Eva ang susi mula sa kanyang bag saka binuksan ang p***o.
Hindi pa man nakakapasok ay nilapitan siya ni Shienna saka bumulong.
“You owe us the whole story…”
Chapter 3Pagpasok pa lamang sa loob ng apartment ni Eva ay agad siyang dumeretso sa kanyang kusina at nag timpla ng kape.Habang si Nicole naman ay dumiretso sa kanyang ref upang kunin ng pinakatatago niyang red wine. Binalak niya pa sana itong sawayin ngunit sa itsura nito ay imposibleng makikinig ito sa kanya. Napabuntong hininga na lamang siya nang tabihan ito ni Roxane at ito na ang kumuha ng wine glass.Napaisip tuloy siya kung gaano kataas ang alcohol tolerance ng kanyang mga kaibigan dahil mukhang hindi pa rin naging sapat ang dami ng nainom nila kagabi.“So… I know it’s still early but we are still celebrating. With Eva’s expensive bottle of wine.” Naka ngising sabi ni Nicole sabay inangat ang boteng hawak nito.Hindi naman nagpapigil si Shienna at halos makipag agawan pa ng wine glass kay Roxane.“Okay, bago pa natin makalimutan, Eva… Magkwento ka na.” Sabi ni Shienna habang nagsasalin ng wine. Napairap naman siya dito saka pasalampak na naupo sa silyang nasa kanyang kitchen
Halos apatnapu't limang minuto rin ang oras na ginugol ni Eva sa loob ng banyong iyon.Kung maari nga lamang siyang mag tagal pa doon ay ginawa niya na habang tahimik na umuusal ng panalangin na sana, sa paglabas niya ng banyo ay wala na roon ang lalaki.Sigurado naman siyang nasa isang mamahaling hotel sila, base na rin sa ayos ng silid. Kung saang parte ng siyudad at kung paano siyang napunta roon mula sa bar kagabi, iyon ang hindi niya alam.Dahil unang-una ay wala naman sa plano niyang makipag one night stand kagabi, ay wala siyang napagpilian kung hindi isuot ulit ang parehong maikli at hapit na hapit sa katawang mini halter dress na suot niya rin kagabi.Matapos mag ayos ay sandali pa niyang nahigit ang pag hinga bago dahan-dahang binukasan ang pinto ng banyo saka tahimik na napamura nang makitang naroon pa rin ang lalaki.Kagaya niya ay nakabihis na rin ito, suot ang kulay abong long sleeve shirt at itim na slacks, nakatalikod ito sa kanya kaya’t mukhang hindi siya nito napansi
“MAG TAGO KA SA LOOB NG CABINET! BILIS! HUWAG NA HUWAG KANG GAGAWA NG KAHIT NA ANONG INGAY PARATING NA SILA!” Bakas ang taranta at pagaalala sa tinig na sabi ng kanyang ina, dama niya rin ang panginginig ng katawan nitong nakayakap sa kanya.“Pero Mommy… Si Dad-” “Wala nang oras! Naalala mo ang lagi nating pina-practice ni daddy mo hindi ba? Eto na ‘yon anak. Takbo!” Putol nito sa sasabihin niya wala naman nang nagawa pa si Eva kundi ang ang humagulgol ng iyak nang itulak siya palayo ng kanyang ina saka pilit siyang ipinasok sa loob ng kabinet.Sa edad na pitong gulang ay alam niya at naiintindihan niyang ang madilim na kabinet lamang na iyon ang tanging ligtas na lugar para sa kanya.Nagpilit pa ng ngiti ang kanyang ina bago siya nito halikan sa pisngi saka isinara ang pinto ng kabinet.Wala pa mang ilang minuto nang makarinig siya ng malakas na kalabog mula sa labas, nasundan iyon ng malalakas na sigawan, ngunit sa lahat ng ingay na iyon ay ang boses lamang ng kanyang ama ang tangi






![His Lasting Impression : Mafia Don Obsession [ Book 1 ]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
