Sa bawat hakbang ni Dwayne palayo, tila unti-unting nawawala ang bigat na matagal nang nakapatong sa dibdib ko. Sa unang pagkakataon, nakita ko siyang talunan—hindi dahil natalo siya sa argumento, kundi dahil wala na siyang kapangyarihang hawakan ang emosyon ko.Dapat malaman na ni Dwayne kung saan siya lulugar. Wala na siyang lugar sa puso ko, at ngayon pa lang, mas uunahin ko na ang aking sarili kumpara sa lahat.“Bunso…” mahinang tawag ni Kuya Zyd, “okay ka lang ba?”Huminga ako nang malalim, saka tumango. “Okay lang ako, Kuya. At kung hindi pa man ako buo ngayon, alam kong papunta na ako ro’n.”Umupo kami muli sa mesa. Tumingin ako sa paligid—mga ilaw, mga taong nagkakasiyahan, mga alaalang pilit kong kinokonekta sa kasalukuyan. Ngayon, naririto ako. Buo. Malaya.“Alam mo,” bulong ni Kuya habang umiinom ng alak, “akala ko noon mahihirapan kang bumangon pagkatapos ng lahat. Pero ngayon, tingnan mo sarili mo.” Kumindat siya sa akin. “You’re glowing.”Napatawa ako. “Hindi siguro ‘to
Last Updated : 2025-07-28 Read more