Pag-upo ko muli, naramdaman kong ibang klase na talaga ang LJ ngayon. Hindi na ako 'yung dati—‘yung palaging nag-aabang, palaging nag-a-adjust, palaging naghahanap ng dahilan para manatili ang isang taong matagal na palang wala. Tahimik si Kuya. Hindi niya ako tinanong kung okay lang ako sa ginawa kong pagpunit ng card. Sa halip, ngumiti lang siya—parang sinasabi niyang “tama ‘yan.” Napatingin ako sa paligid. Ang daming ilaw, ang daming tao. Pero sa gitna ng dami, nahanap ko ‘yung sarili kong tahimik, pero buo. Isang bagay na matagal ko nang pinangarap maramdaman. Bigla kong naalala ang mga gabing umiiyak ako sa bintana, tinatanong ang sarili kung saan ako nagkulang. Kung may mali ba sa akin, kung bakit kahit anong pagpupursige, hindi sapat. Pero ngayon, alam ko na—hindi ako kulang. Mali lang talaga ang taong pinili ko noon. Bahagya akong natulala.. “Lj?” mahinang tanong niya. Ngumiti ako. “Kuya… hindi pa rin siya para sa akin. Kahit pa may dahilan siya, hindi na kami pareho. H
Sa bawat hakbang ni Dwayne palayo, tila unti-unting nawawala ang bigat na matagal nang nakapatong sa dibdib ko. Sa unang pagkakataon, nakita ko siyang talunan—hindi dahil natalo siya sa argumento, kundi dahil wala na siyang kapangyarihang hawakan ang emosyon ko.Dapat malaman na ni Dwayne kung saan siya lulugar. Wala na siyang lugar sa puso ko, at ngayon pa lang, mas uunahin ko na ang aking sarili kumpara sa lahat.“Bunso…” mahinang tawag ni Kuya Zyd, “okay ka lang ba?”Huminga ako nang malalim, saka tumango. “Okay lang ako, Kuya. At kung hindi pa man ako buo ngayon, alam kong papunta na ako ro’n.”Umupo kami muli sa mesa. Tumingin ako sa paligid—mga ilaw, mga taong nagkakasiyahan, mga alaalang pilit kong kinokonekta sa kasalukuyan. Ngayon, naririto ako. Buo. Malaya.“Alam mo,” bulong ni Kuya habang umiinom ng alak, “akala ko noon mahihirapan kang bumangon pagkatapos ng lahat. Pero ngayon, tingnan mo sarili mo.” Kumindat siya sa akin. “You’re glowing.”Napatawa ako. “Hindi siguro ‘to
Hindi ko alam kung sinadya ko ba talagang gawin 'yon para saktan siya—o kung sadyang iyon ang tanging paraan para protektahan ang sarili kong puso. Minsan, ang pagiging malamig ay mas madali kaysa muling masaktan.Tahimik si Dwayne. Ilang segundo rin siyang hindi gumalaw sa kinatatayuan niya. Ramdam ko ang mga matang nakatitig sa akin, pero mas pinili kong huwag magpatinag.“LJ…” muli niyang tawag, mas mahina na ngayon. Parang wala na ang dati niyang kompiyansa, parang siya ang nangangapa kung paano makalapit.Pero hindi na ako ang LJ na kayang bulagin ng dating pagmamahal.Tumayo si Kuya Zyd mula sa upuan at humarap sa kanya. “I think malinaw na, Lopez. Ayaw ka na niyang kausapin. So unless may importanteng bagay kang dapat iparating, you better walk away now.”Nag-angat ng tingin si Dwayne kay Kuya Zyd. Nakita ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Noon pa man ay hindi boto si Kuya sa kanya, at ngayong may lakas na ako para manindigan, tila mas determinado si Kuya Zyd na hindi na
Napalingon ako sa entrance, at sa gitna ng flash ng mga kamera at tila orchestrated na pagbungad ng spotlight, tumambad ang pamilyar na presensya—Dwayne Lopez, naka-black suit na halatang custom-tailored, may aura ng isang taong hindi basta nagpapakita pero siguradong mapapansin kapag dumating.Hindi ko maiwasang mapatigil sa paghinga. Matagal ko na siyang hindi nakita mula noong huli naming banggaan—literal at emosyonal—sa isa sa mga show na ginulantang ng sariling pamilya niya.Napakunot ang noo ni Kuya Zyd. “What’s he doing here?”“Akala ko rin hindi siya invited,” sagot ko. “Lalo’t after everything that happened.”Lumapit si Dwayne sa gitna ng event hall na tila walang pakialam sa bulung-bulungan, deretso ang lakad, hindi umiwas sa mga tingin. Pero nang magtagpo ang mga mata namin, biglang bumagal ang mundo.Marami akong tanong. Marami rin akong hindi pa tapos sa kanya.At base sa ekspresyon sa mukha niya—marami rin siyang gustong sabihin.Hindi man lang ako naisama ng dati kong a
Pagkaupo namin sa front row muli, ramdam kong bumigat ang hangin. Hindi dahil sa tensyon, kundi sa dami ng damdaming biglang dumaloy sa puso ko—ligaya, pag-amin sa sariling tagumpay, at marahil, kaunting awa sa mga taong dati’y gustong pabagsakin ako.Mula sa gilid ng paningin ko, nakita kong naglakad palapit si Cathy. Nakasuot siya ng pearl white gold na gown, at hawak ang kanyang phone na parang handa siyang mag-kwento o mag-record. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong inaasahan ko sa kanya—basta’t tahimik lang akong naghintay sa paglapit niya.Nagpaalam naman si kuya Zyd sa akin na may kakausapin saglit, kaya naiwan ako mag isa.."Wow.. flavor of the month ka pala ngayon ni Zyd Vann de Mdrid," mapanuyang sabi niya sa akin, "kaya pala may kalakasan ang loob mong pagsabihan kami ng kung anu ano.. may ipinagmamalaki ka naman palang sugar daddy.."Hindi ko kaagad sinagot si Cathy. Tinitigan ko muna siya—hindi dahil gusto kong patulan ang insulto niya, kundi para iparamdam sa kanya n
“Actually,” sabay sabing may biro si Kuya Zyd, “she’s not just my date tonight. She’s the future of fashion in this country.”Natawa ang buong table, pero halatang may halong paghanga sa tono nila. Napakagaan ng atmosphere, kahit na ramdam kong may mga matang pilit akong binabasa mula sa malayo—at hindi iyon galing sa admiration, kundi sa puot.Lumingon ako. Sina Mercedes at Cathy, halatang hindi mapakali. Nakita kong binulungan ni Mercedes ang anak niya, sabay irap sa direksyon ko. Hindi ko na lang pinansin. I have no time for petty energy tonight. I’m here to shine—hindi para patulan ang mga naiwan sa dilim.Maya-maya, lumapit ang event organizer sa amin.“Hi Sir Zyd, and to your lovely date. You’ve been requested to join the front-row reserved section for the awarding and highlight segment. May special seating po kayo doon.”“Oh wow,” bulong ko kay Kuya. “Front row?”“Of course,” sagot niya. “I made sure of that.”Habang nilalakad namin ang carpet patungo sa bagong mesa, mas lumaka