"Maghiwalay na tayo, Dwayne.." nakikiusap ang aking tono sa aking asawa. Pagud na pagod ang puso, isipan at katawan ko sa buhay pag aasawang meron ako. Inaalila lang ako ng pamilya niya, at siya naman ay binabalewala lang ako.. Ayoko na talaga! "Sinong may sabi sayong maghihiwalay tayo? LJ, tandaan mo, ikaw ang humiling nito sa akin, ibinibigay ko lang ang gusto mo. Ayaw mo na? magdusa ka habang buhay!" iyon lang ang sinabi ni Dwayne, bago niya ako tuluyang iwanan sa bahay.
View MoreLJ:
Nakatalungko lang ako sa may gutter ng kalsada, at sinasala ko ng aking mga kamay ang unti- unting pagpatak ng ulan. Kung maaari lang iyong bilangin, ginawa ko na. Para naman maging abala ang aking isipan. Mabuti na lang at may bubong sa parteng iyon ng kalsada. Biglang nawala ang mga tao sa paligid, ng mag umpisang pumatak ang malalaking butil ng tubig mula sa kalangitan. Kasabay niyon ang pag-uulap ng aking mga mata. Kahit anong pigil ko, bumabagsak talaga ang pinipigilan kong luha. Natatawa na lang ako at naiiling sa sinasapit ng aking buhay pag-ibig. Kabayaran ba ito sa nagawa kong pamimilit sa isang lalaking pakasalan ako kahit hindi naman ako ang mahal niya? Ngayon- ngayon lang, nakita ko ang aking asawa, kasama si Astraia Jimenez, ang babaeng alam ko ay nakarelasyon ng niya, na pumasok sa isang hotel. Ng sundan ko sila, inalam ko sa receptionist kung nagcheck in ang dalawa doon. "Ma'am, confidential po ang itinatanong niyo. Hindi po kami naglalabas ng statement about sa mga guest," sabi sa akin ng receptionist. Halata ang kaba sa kanyang mukha ng usisain ko siya tyngkol sa dalawang iyon. "Miss, asawa ko ang lalaking pumasok diyan, aalamin ko lang kung nagcheck in silang dalawa, hindi ako mag ieskandalo," mahina kong sabi sa kanya. Kinukumbinsi ko ang aking sarili na magkakape lang sila sa loob, o may kikitaing kakilala. "Pe-pero ma'am.." bandang huli ay napapayag ko rin siya. Ayon sa kanya, madalas niyang makita ang mga ito doon nitong nakaraan, at ang akala nga daw niya noong una, ay mag asawa sila. Kaya nagulat siya, na ako pala ang legal na asawa, dahil ipinakita ko sa kanya ang aking ID. Mukha akong baliw, habang umiiyak at tumatawa sa nangyayari sa akin. Dalawang taon na kaming mag-asawa, dalawang taon na ring ganito nila ako tratuhin, ng buong pamilya ni Dwayne, ang pagmukhain akong basahan, na ginagamit, saka ilalagay na lang sa sulok, kapag hindi na kailangan. May sarili kaming bahay, pero parang wala rin, dahil ilang bloke lang ang layo ng pamilya niya sa amin, at madalas pang pumupunta doon ang aking mga inlaws. Ayoko sanang sumuko, subalit hanggang kailan ako kakapit? Hanggang kailan ko matitiis ang ginagawa nilang lahat sa akin? Kaya ko pa bang ipaglaban ang pagmamahal ko, kahit alam kong sa una pa lang, hindi na talaga ako ang nasa puso niya. Kinuha ko ang aking cellphone, at nagulat pa ako, pagbukas ko, ay larawan ni Dwayne na nagtotoothbrush ang bumungad sa akin, at malamang, hindi naman siguro niya kinuhanan ang sarili niya upang ipadala sa akin. Marahil, nung mapansin nung nagsent sa akin na na-seen ko na ang ipinadala niyang larawan, nilagyan pa niya ng caption na 'ready to eat' Napakabastos talaga ng babaeng ito. Hindi na marunong mahiya. Naniniwala na talaga ako, na naging girlfriend ito ng aking asawa. At ito ang hinihintay niya kaya hindi niya ako makuhang mahalin. Kahit sina Cathy na hipag ko at ang biyenan kong matapobre, iyon din ang sabi sa akin. Sinubukan kong tawagan ang aking asawa, ngunit naka off ang kanyang phone. Marahil, ang sinasabi ni Astraia na ready to eat ay nag- uumpisa na. Baka minumukbang na niya ang aking asawa. Nakaupo pa rin ako doon sa gutter, ng maramdaman kong parang wala ng tubig na tumutulo sa aking mga kamay. Napatingala ako, may isang lalaking may hawak ng payong. Nakapamulsa siya, saka nakatingin sa daan. Wala naman sa akin ang kanyang atensiyon. "Umuwi ka na. Hanggang kailan ka ba magiging ganito?" tanong niya, habang nakatingin sa kahabaan ng kalsadang iyon. "Hindi ko alam.." naisagot ko na lamang sa kanya. Wala akong makuhang sagot sa aking puso at isipan, basta ang alam ko lang, nasasaktan ako. "Gumising ka na, at baka nakakatulog ka. Halatang miserable ang buhay mo. Hindi ka namin pinakialaman sa loob ng dalawang taon, gaya ng iyong hiling, subalit ngayon.. mukhang kailangan mo na siyang kalimutan," hindi siya sa akin nakatingin, parang ayaw niyang makita ang miserable at nakakaawa kong anyo. "Kailangan na ba?" tanong ko sa kanya. "Liza.. Hindi ka pinalaking prinsesa sa pamilya natin, para lang tratuhing basura ng ibang tao. Ano ba kasi ang nagustuhan mo sa Dwayne Lopez na yan?" malungkot ngunit sarkastiko ang kanyang tanong. "Yung katawan niya.. ang lapad kasi ng chest nya, parang ang sarap yumakap, lalo na ang kanyang mga braso.." "Miserable na ang buhay mo, puro kalokohan pa rin ang naiisip mo," may halong inis ang kanyang tinig. "Pero, seryoso naman ako," inilagay ko ang aking mga braso sa aking tuhod, at ipinatong ko doon ang aking ulo. "Oh, sige, eh yung braso at dibdib na sinasabi mo, natikman mo man lang ba?" alam kong ito ang itatanong niya sa akin. "Hindi.." "Kaya nga. Sumama ka na sa akin. Iuuwi na kita.." yakag niya sa akin. "Maaari bang- umuwi muna ako sa bahay namin? kukunin ko lang lahat ng mahahalagang gamit ko." "Gusto mo ba, pasamahan kita kay Jill?" sabi pa niya, "para makaalis ka ng maayos sa lugar na iyon." "Wag na, kokontakin ko na lang kayo ulit, kapag uuwi na ako," sagot ko sa kanya, "sinong kasama mo?" tiningala ko pa siya. Parang miyembro talaga ito ng KPOP group. Si kuya Zyd, ang panganay kong kapatid, na taga pagtanggol ko sa lahat. Siya ang unang tumutol noong mapagdisisyunan kong pakasalan si Dwayne. "Nasaan ang sasakyan mo?" "Yun,"itinuro niya sa akin, ang mga sasakyan na naroroon sa kabilang panig ng kalsada,"ako na lang ang bumaba, para low key." Huminga ako ng malalim, at niyakap ko siya, "kuya.. patawarin mo ako kung hindi ako nakinig sayo, hindi sana ako nasasaktan ng ganito." "Okay lang yan, buti at natuto ka na. Basta sumunod ka sa usapan natin, dalawang taon lang. Hindi na maaaring mag extend pa." sabi niya. "Oo, kuya, pangako, uuwi na ako sa inyo. Pakisabi kay daddy, patawarin niya na ko." "Hindi ka pa humihingi ng tawad sa kanya, pinatawad ka na niya," doon pa lang siya ngumiti, saka ako hinalikan sa noo at niyakap ng mahigpit.Pagkaupo namin sa front row muli, ramdam kong bumigat ang hangin. Hindi dahil sa tensyon, kundi sa dami ng damdaming biglang dumaloy sa puso ko—ligaya, pag-amin sa sariling tagumpay, at marahil, kaunting awa sa mga taong dati’y gustong pabagsakin ako.Mula sa gilid ng paningin ko, nakita kong naglakad palapit si Cathy. Nakasuot siya ng pearl white gold na gown, at hawak ang kanyang phone na parang handa siyang mag-kwento o mag-record. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong inaasahan ko sa kanya—basta’t tahimik lang akong naghintay sa paglapit niya.Nagpaalam naman si kuya Zyd sa akin na may kakausapin saglit, kaya naiwan ako mag isa.."Wow.. flavor of the month ka pala ngayon ni Zyd Vann de Mdrid," mapanuyang sabi niya sa akin, "kaya pala may kalakasan ang loob mong pagsabihan kami ng kung anu ano.. may ipinagmamalaki ka naman palang sugar daddy.."Hindi ko kaagad sinagot si Cathy. Tinitigan ko muna siya—hindi dahil gusto kong patulan ang insulto niya, kundi para iparamdam sa kanya n
“Actually,” sabay sabing may biro si Kuya Zyd, “she’s not just my date tonight. She’s the future of fashion in this country.”Natawa ang buong table, pero halatang may halong paghanga sa tono nila. Napakagaan ng atmosphere, kahit na ramdam kong may mga matang pilit akong binabasa mula sa malayo—at hindi iyon galing sa admiration, kundi sa puot.Lumingon ako. Sina Mercedes at Cathy, halatang hindi mapakali. Nakita kong binulungan ni Mercedes ang anak niya, sabay irap sa direksyon ko. Hindi ko na lang pinansin. I have no time for petty energy tonight. I’m here to shine—hindi para patulan ang mga naiwan sa dilim.Maya-maya, lumapit ang event organizer sa amin.“Hi Sir Zyd, and to your lovely date. You’ve been requested to join the front-row reserved section for the awarding and highlight segment. May special seating po kayo doon.”“Oh wow,” bulong ko kay Kuya. “Front row?”“Of course,” sagot niya. “I made sure of that.”Habang nilalakad namin ang carpet patungo sa bagong mesa, mas lumaka
POV LJPAGSAPIT NG SABADO..Bihis na ako, at naghihintay kay Kuya Zyd. May pasalubong daw siya sa akin sa araw na ito. Tumunog ang aking cellphone pagkalipas ng ilang minuto."Lj.. nilalagnat ako.." si Jill iyon, halata sa kanayng boses na may sipon siya.."Naku, magpagaling ka.. hindi ka na makakasama ngayon?" nag aalala kong tanong sa kanya."Hindi ko kaya.. baka mag pass out ako," halatang malat na malat ang kanyang tinig."Okay lang, Jill. Magpahinga ka na muna. Ako na lang ang pupunta. Padadalhan na lang kita ng update at pictures, okay?" malambing kong sabi sa kanya."Promise ha... gusto ko pa rin malaman lahat!" hinang-hina pero pilit na masiglang sagot ni Jill."Promise," tugon ko, bago binaba ang tawag.Nag-double check ako ng suot ko sa salamin—isang midnight blue na dress na pina-customized ko kay Ate Ynez. Simple pero elegante, bagay sa theme ng gabi: “Under the Stars.”Maya-maya pa, dumating na si Kuya Zyd. Sa kanya ako sasama papunta sa gala dahil invited siya bilang isa
POV: LJHabang naglalakad kami ni Jill sa yayamaning lugar na iyon, may ilang kababaihan ang nakatingin sa amin na para bang hinuhusgahan na kami ng mga iyon.Alam ko, na sila ay mga kakilala nina Mercedes at Cathy. Wala naman siyang paki, kahit ganoon pa man ang mangyari, ang mahalaga, hindi na siya makakapayag na muling apihin ng mag inang iyon.Hindi namin namalayan, na kasunod na naman namin ang mag inang kampon ng dilim..Sanay na sanay talaga sa eskandalo ang dalawang ito, kesehodang mapahiya sila.Hindi na namin sila pinansin. Bagkus, naglakad lakad lang kami na parang hindi sila nakikita."Pumasok tayo diyan.." yaya ni Jill sa akin. Isa iyong ti8ndahan ng mga damit na mamahalin, na ang isang piraso ay maaari ng makabili ng mga e-bike!At sa masayang pangyayari, doon din pumasok sina Mercedes, na tila ba, masayang gagawa ng eksena sa loob."Hi.. ma'am.." bati ng mga staff."Hi, anong bago niyong collections ngayon?" tanong ni Jill.. "Gusto sana namin, same fabric, magkaiba ng d
Nag uusap ang aking ina at kapatid habang sila ay nasa daan. Iyong tipong kapag narinig ng iba, hindi na makaing aso sa pandinig."Alam mo, ang kuya mo, noon naman, balewala sa kanya ang LJ na yun, ngayon naman, bigla na lang parang nais niyang habulin!" naiiling pa si mommy habang kausap si Cathy."Kaya nga mommy, baka naman ginayuma niya si Kuya. Ano sa palagay niyo? ang bilis pang makakita ni LJ ng mga sugar daddy ha!" sulsol pa ni Cathy kay mommy. "Si kuya kasi, nag uwi ng babaeng hindi naman natin alam kung saan nanggaling, tapos pinakasalan pa. Ngayon , ngayong ayaw naman na sa kanya, para naman siyang nagkakagusto na."Hayaan mo na ang kuya mo. Basta, gumastos ka lang hanggang gusto mo, ako ang bahala," nakangiting sabi ng mommy sa paborito niyang anak, "Jose, rich street tayo! baka maaabutan ko pa ang babaeng talipandas na iyon!"Nagmamadali nilang tinungo ang lugar, kung saan namimili ang mga mayayaman at kung saan nakita nina Cathy sina LJ.Hindi makakapayag si mommy na hind
POV: Dwayne "Mommy! mommy!" sigaw ni Cathy, habang nasa garahe. Malamang, nay problema na naman ang aking kapatid kaya ganoon na naman ang tono ng boses niya. "Mommy!" muling sigaw niya. "Oh, bakit?" nakaupo si mommy sa labas habang nagpapalinis ng kuko sa kanyang manikurista. "Ipinahiya ako ng LJ na iyon! kasama yung bansot niyang kaibigan!" sumbong niya kay mommy. Agad nag init ang ulo ng aking ina matapos marinig ang kwento ng bunso kong kapatid. "Anong nangyari?" tanong ni mommy saka sinenyasan ang manikurista na umalis. Pagkaalis ng manikurista, naupo si Cathy sa tabi ni mommy, "sa boutique, binili niya ang mga gusto ko!" "Dapat, tinapatan mo ng presyo!" sagot ni mommy. "Paano ko tatapatan? si kuya, nilagyan ng limit ang card niya na ibinigay sa akin!" nakasimangot na sagot niya. "Ang kuya mo, hindi ko maintindihan. Simula noong umalis si LJ dito, masyado na niya tayong tinitipid! kailangan natin siyang makausap! Halika na, puntahan natin siya sa opisina. Tulad ng ina
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments