Nasa labas ng aming bahay ang sasakyan ni mommy. Napaisip ako kung ano na naman ang ginagawa niya sa aming bahay. Pagpasok ko sa gate, hinihintay ko na salubungin ako ng aking asawa, subalit nabigo ako na makita ang kanyang presensiya. Inilibot ko ang aking mata, wala talaga si LJ. "Hinahanap mo ang asawa mo?" tanong ni mommy sa akin," wala na siya." Nangunot ang aking noo sa kanyang sinabi, "anong wala? nag grocery ba?" hinubad ko ang aking sapatos at ipinatong iyon sa shoe rack, "nasaan siya?" Nagkatinginan silang dalawa ni Cathy, bago siya nagsalita, "lumayas na siya. Sumama na siya sa ibang lalaki," sagot ni mommy sa akin, "biruin mo, mahinhin kunwari, tapos makati naman pala." "Ibang lalaki?" hindi ako makapaniwala sa ibinabalita nila. Imposibleng manlalaki si LJ, alam ko kung gaano siya ka obsess sa akin! "Ito," may ipinakitang picture sa akin si Cathy, larawan iyon ni Lj at ng isang lalaki na magkayakap sa kalsada! Hindi ako makapaniwalang kayang gawin iyon ng aking asawa.
Terakhir Diperbarui : 2025-05-19 Baca selengkapnya