Nagising si Toffy ng masinagan ang kanyang mukha ng sikat ng araw. Kaya naman agad na siyang bumangon, nagulat siya dahil may kumot siya. Nang pagmasdan niya ang kanilang sala ay tahimik ito, niligon niya rin ang kusina nila pero wala ring tao roon kaya naman tumayo na siya at naglakad papunta sa garden para tingnan ang kanyang mommy. Pero isang magandang dilag ang kanyang natanaw na may hawak ng hose ng tubig at nagdidilig ito ng mga halaman. Npaka- sexy nito sa suot nitong ternong damit na pang- bahay. Naalala niya tuloy ang nangyari kagabi na pag- yakap niya sa dalaga, kaya naman napalunok siya ng kanyang laway. Iba talaga ang atake ng babaeng ito sa kanya, sa dami niyang nakakasama at nakaka- salamuha na mga artista mas magaganda at sexy pa. Pero hindi napapa- tibok ng ganito ang kanyang puso. Sobra siyang atrakted sa dalaga dahil gustong- gusto niya ang morena at pantay nitong kulay, Maganda nitong mukha, lalo na din ang petite nitong katawan. Simple kung titingnan niya pero hind
Huling Na-update : 2025-06-04 Magbasa pa