Si Bonita Georgina Martinez aka Borge ay isang scholar student sa High East International University at nagmula sa probinsiya ng cebu. Dahil panganay sa pitong magkakapatid at nagmula sa mahirap na pamilya ay nagsumikap siya. Bukod sa pagiging scholar ay working student din siya. Para makapag- padala ng pera sa kanyang mga magulang at makatulong sa mga ito. Minsan din ay sumasali siya sa mga beauty pageant para may ipangdadag sa kanyang mga pambili ng mga projects. Morena beauty, matangkad at matalino. Dahil sa nag- iisa lang siya sa maynila ay wala siyang masyadong kakilala kundi ang kanyang mga professor at mga kaklase. Dahil sa kapabayaan ng isang tenant ng kanyang bording house na inuupahan ay nasunog ang kanyang tinutuluyan. Kaya naman nang malaman ng isa sa kanyang professor na si Mrs. Trina Cruz ang kanyang sitwasyon ay inalok siya nitong tumira muna sa kanyang bahay dahil wala naman daw siyang kasama sa bahay. Dahil ang kanyang mga anak ay sa condo unit nakatira. Pero hindi niya naman aakalain na ang isang anak nito ay isang sikat na celebrity ng bansa at ang kanyang ultimate happy crush! At nakilala niya ng personal si Kristoff Dale Cruz aka Toffy Cruz ang kilabot ng mga kolehiyala dahil sa galing nitong kumanta at umarte sa harap ng camera. Modelo at endorser ng iba’t – ibang mga sikat na produkto sa bansa. Dahil sa isang kontrobersiyal na kinasangkutan nito ay nagpahinga muna ang binata sa showbiz at maninirahan kasama ang kanyang ina. Matatagalan kaya ni Borge na tumira sa bahay ng kanyang professor kasama ang kanyang ultimate happy crush…??? Paano kung ma- inlove sa kanya ang isa Toffy Cruz??? Paano niya haharapin ang mga fans ng loveteam nito na magiging bashers niya?....
Lihat lebih banyakBorge POV
BORGE POV:Nang magpalitan na sila ng numero ni Toffy ay may pinakiusap ito sakanya."Ahh... HAPPY CRUSH ang name na i- save mo diyan ah na name ko." Nakangising sabi ni Toffy sa kanya."At bakit naman ahh???" Kunwaring pag- tatanong niya sa binata." Eh diba... CRUSH mo ako! Tapos HAPPY ka kapag nakikita mo ako, so lalo ka nang magiging happy kapag tatawagan o itetext kita." Mayabang na sagot ni Toffy at napatawa pa."Piskot ka! Dati yun, pero ngayon na nakilala na kita at nalaman ko na ganyan ka kahangin. Hindi na kita gusto...! Hmmp! Jan ka na nga... pero salamat pala sa pag sabay sa akin, nakalibre ako ng pamasahe." Kunwaring pagtataray niya sa binata." It's okey BABY! baby BORGIE ang i- save ko na name mo dito sa phonebook ko. Go inside na baby Borgie ko..." Pang- aasar na sabi ni Toffy sa kanya.Namilog ang kanyang mga mata at namula ang kanyang pisngi sa sobrang kilig dahil tinawag siyanmg baby ng kanyang happy crush kahit pa nadiskubre niya na mahangin ito pero mabait at ma
Masaya at kinikilig na tinanaw ni Ginang Trina ang sasakyan ng kanyang anak... Mukhang nakahanap na siya ng magiging nobya ng kanyang unico hijo.TOFFY'S POV: Sobrang naaliw talaga siya ampon ng kanyang mommy Trina. Hindi niya akalain na fan niya pala ito, hindi naman siya manhid alam niyang gusto siya ng dalaga. Hula niya ay probinsiyana at bisaya ito dahil may tono na may pagmatigas kung magsalita. Pero siyang natutuwa at naaliw sa dalaga kaya pasimple siyang napapangiti. Lalo siyang kinikilig nang maalala niya na nayakap niya ito kanina, ang liit ng bewang nito at napakakinis ng leeg. Napakasarap din amuyin ng mabangong buhok nito. Morena at may balingkinitang katawan ang dalaga. Sa totoo lang ito ang tipo niyang mga babae dahil sa mundo na kanyang ginagalawan ay marami na siyang nakakasama na mga mestiza. Maganda ang dalaga dahil sa hugis ng mukha nitong puso, may bilugang mga mata, maliit na matangos ang ilong at katamtamang kapal ng labi. May itim at mahabang buhok na m
BORGE'S POV: Nang imulat ni Borge ang kanyang mga mata ay nakitaniyang nakatalikod na papuntang kusina ang lalaking yumakap sa kanya kanina at yun ang kanyang ultimate happy crush na celebrity. Mula nang maging teenager siya ay super crush na niya si Toffy Cruz. Umabot pa siya sa puntong nangolekta sin siya ng mga poster nito noon at tinitipid niya ang kanyang baon. Pero dahil sa hirap ng kanilang buhay sa isla ay mas pinili na lamang niya ang kanyang paghanga sa artista ay maging happy crush lang. Pero hidni niya inaasahan na makikita niya ito sa personal at may bonus pang pagyakap. Kaya nawalan siya nang malay dahil sa sobra niyang pagka- shock ay nahirapan siyang huminga. At hanggang ngayon ay radam niya ang kilig dahil pakiramdam niya ay nakayakap pa rin sa kanya ang binata. Niyakap at inamoy- amoy niya pa ang bestida na binigay ni mama Trins. Gusto niyang tumili pero nahihiya dahil baka marinig siya ng mag- ina. Nakabihis na siya ng kanyang uniform at kaila
BORGE'S POV: Ini- alarm ni Borge ang kanyang celphone ng 5:00 am ng umaga para maagaa siya magising at makapag- luto siya ng almusal para sa kanila ni mama Trins niya. Ganon talaga kailangan gawin ang mga obligasyo niya bago umalis ng bahay lalo pa at nakikitira lamang siya sa bahay na yun. Pangaral na sa kanya yun ng kanyang ina. Kaya nasanay na siya sa mga gawaing- bahay. Ganon talaga kapag nasa probinsiya at anak kang babae kailangan matuto ka sa trabaho sa loob ng bahay. Mahimbing naman siyang nakatulog sa kanyang bagong silid.Nang mag- alarm na ang kanyang celphone ay agad na siyang bumangon, naghilamos at nagtoothbrush muna siya. Niligpit na muna niya ang kanyang higaan at tinupi ang kanyang kumot. Isinuot niya ang bigay na bestida ni mama Trins niya dahil lalabhan pa lamang niya ang kanyang mga damit dahil amoy usok pa ang mga ito. Halos magkasing katawan naman sila, mas matangkad lamang siya sa ginang. Agad na siyang bumaba sa kusina para magluto na ng kanilang aalmu
"Opo... ano po ang mga gagawin ko Prof. Trina bilang kapalit nang pag- tira ko po sa bahay mo???" Kinakabahan pa rin na tanong ni Borge. Mabait naman itong Proffessor niya pero may pagka- istrikta kaya tinatawag siyang terror prof sa university nila."Unang kondisyon ko tutulungan mo ako sa mga gawaing bahay, pangalawa mag- trabaho ka dito sa coffeeshop ko at ang pangatlo makipag- blind date ka sa anak kong lalaki." Saad ni prof Trina sa kanyang mga kondisyon ng pagtira ni Borge sa kanyang bahay. Nag- isip naman na maiigi si Borge, yung una at pangalawang kondisyon ng ginang ay pabor sa kanya. Pero yung pangatlo ay alanganin siya dahil wala pa sa kanyang isip ang mag- nobyo at makipag- relasyon. Kaya kumunot ang kanyang noo nang sumagot siya sa kanyang proffessor."Ahhh.... Prof. Trina yung una at pangalawa niyo pong kondisyon... Kaya ko pong gawin basic lang po sa akin yan. Pero po yung pangatlo po parang hindi ko po kaya... pumunta po ako dito maynila para po mapapag- tapos ng pag-
Derecho na siya sa kanyang bording house. Pero nagtataka siya dahil pagkababa niya ng tricycle ay nagkaka- gulo ang mga tao roon. Nasusunog ang kanyang inuupahan na bahay at napakalaki ng apoy nito.“Ang mga gamit ko….! “ Nakatulala na lamang niyang sabi sa kanyang sarili. “Borge… nandiyan ka na pala. Nasunog ang katabi mong kwarto, ito lang naisalba namin na gamit mo. Sinira na namin ang pinto para kahit papano ay may maisalba kami.”Ani ng kanyang landlady. “Ms. Maya… Salamat po at isinalba niyo ang mga dokumento ko at konting damit.” Naiiyak na sabi niya. “Pasensiya ka na hija… ibabalik ko ang deposito mo sa upa. Para makahanap ka muna nang matitirhan mo. Alam ko na wala kang mga kamag- anak dito sa maynila. “Sige po… maraming salamat po.” Naisagot niya at tinanggap ang binigay nitong pera sa kanya. Paano na siya ngayon… Saan na siya magpapalipas ng gabi, wala naman siyang kakilalang iba o kamag- anak sa siyudad. Pero naglakad na siya palayo sa nasusunog na bording house
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen