Tahimik na muli ang kwarto matapos ang kaguluhan. Magulong nakahandusay si Margaret sa kama. Gulong-gulo ang buhok, basa ang damit, at tila wala sa sarili habang nakatitig sa kawalan. Ilang minuto rin siyang tulala bago unti-unting bumangon. Nanginig ang mga kamay niya habang binababa ang mga paa sa sahig. Huminga siya ng malalim, isang beses, dalawa. Nang bahagyang kumalma, naglakad siya papasok sa banyo at ikinandado ang pinto. Sa harap ng salamin, hindi niya halos makilala ang sarili. May dugo pa sa pisngi, leeg, at katawan niya. Namumugto ang mga mata. Hindi niya alam kung pawis, luha, o dugo ang tumutulo. Binuksan niya ang gripo at hinugasan ang mga kamay, paulit-ulit, parang may tinatanggal na kasalanan. Pero parang mas lalo pa itong dumidikit. Tumapat siya sa shower, binuksan ang tubig, mainit, malamig, kahit alin, basta matanggal lang ang dumi.“Napatay ko ba siya?”“Makukulong ba ako?”“Sino’ng maniniwala sa akin?” Pilit niyang hinuhugasan ang katawan, pero sa paningin n
Last Updated : 2025-06-28 Read more