Share

Kabanata 115

last update Huling Na-update: 2025-06-28 22:43:36
Tahimik na muli ang kwarto matapos ang kaguluhan.

Magulong nakahandusay si Margaret sa kama. Gulong-gulo ang buhok, basa ang damit, at tila wala sa sarili habang nakatitig sa kawalan. Ilang minuto rin siyang tulala bago unti-unting bumangon. Nanginig ang mga kamay niya habang binababa ang mga paa sa sahig.

Huminga siya ng malalim, isang beses, dalawa. Nang bahagyang kumalma, naglakad siya papasok sa banyo at ikinandado ang pinto.

Sa harap ng salamin, hindi niya halos makilala ang sarili. May dugo pa sa pisngi, leeg, at katawan niya. Namumugto ang mga mata. Hindi niya alam kung pawis, luha, o dugo ang tumutulo.

Binuksan niya ang gripo at hinugasan ang mga kamay, paulit-ulit, parang may tinatanggal na kasalanan. Pero parang mas lalo pa itong dumidikit.

Tumapat siya sa shower, binuksan ang tubig, mainit, malamig, kahit alin, basta matanggal lang ang dumi.

“Napatay ko ba siya?”

“Makukulong ba ako?”

“Sino’ng maniniwala sa akin?”

Pilit niyang hinuhugasan ang katawan, pero sa paningin n
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Drusilla Dru
buti naman at nakatakas ka na Margaret. mabuti at anjan si alzo
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 135

    “Babalik ka pa ba pagkatapos mong umalis?”Simpleng tanong, pero parang may kasamang bigat.Saglit lang na napatigil si Margaret, pero halos automatic ang pag-iling niya. Hindi niya kailangan ng matagal na pag-iisip. Alam niya ang sagot. Hindi.Pero ilang segundo pa, parang kinain niya rin ang sariling desisyon. Napaisip siya, hindi ba't masyado naman 'yung “never”? Kaya’t dahan-dahan din siyang tumango.Tahimik lang si Asher habang pinagmamasdan siya. Kahit walang salitang lumalabas kay Margaret, parang nabasa na niya ang lahat ng iniisip nito.Napangiti siya. “Kung ganun, madalas na lang akong bibisita sa’yo abroad.”Sana lang, sinabi niya ito nang hindi masyadong magaan. Dahil sa loob ng mga salitang iyon, may buo at matagal nang damdamin na hindi masabi.Bahagyang bumuka ang mga labi ni Margaret. Gusto niyang sabihin na huwag na, baka masyadong hassle para sa lalaki, pero napaisip din siya. Gusto niyang tumulong. Gusto niyang mag-stay. So why push him away? Tumango na lang siya,

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 134

    Banquet, rest room.Kakababa lang ng phone ni Cassandra pero ramdam na ramdam niya pa rin ang pait sa dibdib niya. Ang bilis at abrupt ng tawag ni Rio. Walang paliwanag, walang paalam, basta na lang sinabi na aalis na siya at ipapahatid na lang siya sa ibang sasakyan.Ganun na lang ba ‘yun?Napakagat siya sa labi. Kahit ilang ulit pa siyang paalalahanan ang sarili na wala silang label, na hindi siya mahal ng lalaki, bakit parang ang sakit pa rin?“Wait ka lang, Rio. Kapag ikinasal na ako kay Xander, pag-aari na kita. You’ll be mine. Ako na ang magiging Lady of the Ramirez family, at lahat ng ginagawa mo, ako na ang magdidikta.”Sa isip niya, napatatag ang kanyang loob. It’s just a matter of time.---Sa Ramirez Villa,Ang malamig na hangin sa labas ay tila kasabay ng bugso ng damdaming dala ng gabing ‘yon. Isang itim na sasakyan ang huminto sa harap ng isang marangyang villa. Bumukas ang pinto, at mula roon, bumaba si Rio, tahimik, pero kita sa mga mata ang bigat ng dinadala.Pagpasok

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 133

    Parang gumuho ang langit sa balikat ni Margaret.Naiintindihan niya ang bawat salitang sinabi ni Shaina sa phone, pero hindi niya ma-process kung paanong naging posible na aksidenteng nakipag—you know what—kay Knight. Aksidente? Hindi 'to pagkaka-bangga sa kanto ah!Tahimik ang hangin sa maliit na garden. Ilang sandali siyang hindi makapagsalita. At ang unang lumabas sa bibig niya?“H-How?!”Sino si Knight?Walang puso. Dangerous AF. Nagdadala ng baril kahit sa family gathering. Isang lalaki na hindi lang basta mafia-vibes, walking red flag!Kung hindi lang dahil sa kakaibang sitwasyon, hinding-hindi niya papakialaman ‘yon.At ngayon… ang matalik niyang kaibigan? Naki-ano?! Sa lalaking 'yon?Alam niyang palaban si Shaina. Mahilig sa thrill, sa mga baril, extreme sports, adrenaline junkie kung baga. Pero hindi niya naisip na darating sa puntong magka-interest ‘to sa isang lalaki. Lalo na't matagal na nitong panata ang "No Marriage, No Sex, No Men" movement.Nalito siya. Napalingon sa k

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 132

    “How is it going?”Sana hindi na lang siya nagtanong. Pagkarinig pa lang ni Asher ng tanong ni Knight, biglang nag-iba ang expression niya. Ang dating maamo at malamig na mukha ay napalitan ng halatang pagkairita.“Yung mga sinabi mong diskarte, pera, regalo, at kung anu-anong pa-cute lang na walang silbi. Ang kapal ng mukha mong sabihing love expert ka.”“Ha?” napakamot sa batok si Knight.Kung iba lang ang pinag-uusapan, baka napatawad na siya ni Asher. Pero pagdating kay Knight, hindi na siya makatiis.Hinila niya ito palabas ng restroom.“Hindi, kailangan mo 'tong i-explain. Imposibleng mali ang tinuro ko. Baka naman ikaw ang puno ng codes ang utak kaya hindi mo nagamit nang tama. Sige na, kwento mo lahat ng ginawa mo.”---Sa kabilang bahagi ng banquet hall...Pumasok si Matthew, mabilis na in-scan ng mata ang buong lugar. Hindi nagtagal ay nakita niya si Cassandra na napalalibutan ng mga bisita. Agad siyang lumapit, excited.“Sister Cass!” masayang sigaw niya.Napalingon si Cass

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 131

    “Hello, Mr. Romano. I have heard a lot about you.”Buong ningning ang ngiti ni Cassandra habang tinititigan si Asher. Eleganteng-elegante siya sa pulang damit, at ang kanyang mga mata ay kasing aliwalas ng isang bahaghari matapos ang ulan.“Hello,” sagot ni Asher, mahinahon ang tono habang tinanggap ang kamay niya, sandali lang, at agad ding binitiwan.Pagkatapos ng maikling pagbati, tahimik lang si Asher. Wala man lang tanong na "And you are?" Kaya si Cassandra na ang kusang nagpakilala.“Ako si Cassandra, president ng Fanke.”“Mm.”Alam ni Cassandra kung anong klaseng tao si Asher bago pa man siya pumunta sa banquet. Inaral niya na ito. Alam niyang si Asher ay isang AI genius, seryoso, mahilig sa katahimikan, sobrang bihasa sa kanyang larangan. Ang sabi nga ng mga kakilala niya, genius, tahimik, guwapo, at gentleman raw ito, pero malayo ang loob sa ibang tao.So, kahit malamig ang pakikitungo ni Asher, hindi ito naging problema kay Cassandra. May pasensya naman ako, naisip niya.Mai

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 130

    Gabi na sa ospital, malamig ang simoy ng hangin sa bintana. Sa isang VIP room, nakahiga pa rin si Xander habang inaayos ni Rio ang mga dokumento ng trabaho sa isang maliit na mesa sa tabi ng kama. Routine na ito tuwing gabi, mga balita sa kumpanya, updates sa mga project, at kaunting balitang hindi niya maririnig mula sa mga doktor o nurses.Tahimik lang si Xander habang nakikinig, ang kanyang mga mata'y malamlam ngunit matalim, parang palaging nagmamasid.Pagkatapos ng balita, bigla itong nagsalita. "How is she lately?"Napatigil si Rio. Hindi niya agad inasahan ang tanong. Pero alam niyang walang ibang tinutukoy ang binata kundi si Margaret. “She's fine,” sagot niya habang naka-poker-faced."Did she ask anything when you visited her last night?" muling tanong ni Xander.Dahil sa pagkakaospital ni Xander, si Rio ang inuutusan niyang magbantay sa Villa tuwing gabi. Pero nitong mga huling araw, wala naman doon si Margaret. Alam ito ni Rio. Kaya’t kahit wala siyang konkretong sagot, sum

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status