“Hello, Mr. Romano. I have heard a lot about you.”Buong ningning ang ngiti ni Cassandra habang tinititigan si Asher. Eleganteng-elegante siya sa pulang damit, at ang kanyang mga mata ay kasing aliwalas ng isang bahaghari matapos ang ulan.“Hello,” sagot ni Asher, mahinahon ang tono habang tinanggap ang kamay niya, sandali lang, at agad ding binitiwan.Pagkatapos ng maikling pagbati, tahimik lang si Asher. Wala man lang tanong na "And you are?" Kaya si Cassandra na ang kusang nagpakilala.“Ako si Cassandra, president ng Fanke.”“Mm.”Alam ni Cassandra kung anong klaseng tao si Asher bago pa man siya pumunta sa banquet. Inaral niya na ito. Alam niyang si Asher ay isang AI genius, seryoso, mahilig sa katahimikan, sobrang bihasa sa kanyang larangan. Ang sabi nga ng mga kakilala niya, genius, tahimik, guwapo, at gentleman raw ito, pero malayo ang loob sa ibang tao.So, kahit malamig ang pakikitungo ni Asher, hindi ito naging problema kay Cassandra. May pasensya naman ako, naisip niya.Mai
Last Updated : 2025-07-18 Read more