Dito sa itaas, kung saan tanging piling miyembro lang ang may access, ay naroon ang mga private rooms na kadalasang ginagamit para sa intimate gatherings at selebrasyon ng mga elite.Sa gitna ng isang eleganteng silid, nakaupo si West Lee sa isang leather armchair, relaxed pero may bahid ng pagka-inip sa anyo. Sa tabi niya, nakapulupot si Zendaya Madrigal, suot ang isang champagne satin slip dress na halos dumudulas sa balat niya. Ang kanyang halakhak ay bahagyang humahalo sa jazz music na nanggagaling sa sound system ng silid.Kasama nila ang ilan sa mga kababata at long-time business friends—mga anak ng mayayamang angkan, politiko, at tycoon heirs. Lahat sila’y bihis na bihis, tila nasa isang fashion shoot.“West,” tawag ng isang gwapong lalaki sa tabi niya, hawak ang wine glass na bahagyang iniikot sa kamay. May nakakalokong ngiti ito sa labi at mapanuksong tono sa tinig. “You recently established a new technology subsidiary, right? Fianke, if I’m not mistaken. Kumusta na? Have you
Terakhir Diperbarui : 2025-06-11 Baca selengkapnya