NAPATAYO si Zavian at lalapitan na sana si Amber nang pigilan siya nito. Nakaangat ang kamay ng babae, at agad na napako ang tingin niya sa kumikislap na singsing sa daliri nito. Nanlamig siya, para bang biglang tinanggalan ng lakas.He forced a smile, pilit na binabawi ang kontrol. “Kakaalis lang ni Lee,” mahinang wika ni Zavian, saka dahan-dahang bumalik sa upuan niya.“I know. Nakita ko siyang umalis,” tugon ni Amber, puno ng lambing pero may bahid ng lungkot. “Can I sit?” Tumango si Zavian at itinuro ang sofa. Sumunod siya at umupo rin, pinagmamasdan ang babae. Blooming ito, mas lalo pang nagningning ang ganda niya, pero sa likod ng mga ngiting iyon, nakita niya ang lungkot na hindi matago.“So…” panimula ni Zavian, ang pumutol sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa.“Nalaman ko mula kay Asha ang ginawa mo kay Tita…” mahinahong saad ni Amber. “Thank you.” Huminga siya nang malalim, bahagyang nanginginig ang boses. “Thank you kasi sobrang laki ng utang na loob ko sa’yo. Hindi ko a
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-09-16 อ่านเพิ่มเติม