“TINGIN mo gagana itong mga plano mo?” malamig na tanong ni Zavian kay Zendaya, habang nakaupo sa swivel chair at halos hindi na mapigilan ang bigat ng iniisip.Isang linggo na ang lumipas mula nang mawala si Amber. Pero ngayong araw, isang balitang yumanig sa business world—buhay si West Markus Lee.Agad niyang tinawagan ang Tiya ni Amber, si Eliza Rivera, para tiyakin kung nakarating na ba rito ang balita. Takot si Zavian na baka bumigay ang kalagayan nito kapag nalaman ang buong katotohanan. Hanggang ngayon ay ginagamit pa rin niya ang recorded voice ni Amber para linlangin ito, para hindi magduda at tuluyang mabahala sa pagkawala ng pamangkin.Ngayon, kaharap niya si Zendaya, na hindi maikukubli ang galit at desperasyon sa mukha. Lumapit ito sa mesa niya, mariing pinagdikit ang mga palad.“Mr. Lacoste, don’t you see? This is exactly what we needed,” mariing sambit ni Zendaya. “West took Amber, then sooner or later, he’ll have to show up himself. At kapag nangyari iyon, hindi lang s
Terakhir Diperbarui : 2025-09-10 Baca selengkapnya