“Paumanhin po,” agad na paghingi niya ng tawad sa lahat, halata ang kaba sa mukha. Kaagad na lumapit sina Aida at Thelma at mabilis na tinulungan si Yue na pulutin ang mga basag na bote at baso, alisin ang mga bubog, at punasan ang natapong wine upang malinis ang kalat sa sahig. “Such a clumsy staff. That wine is extremely expensive,” ani Yvette na halatang iritado. “I bought it in Barcelona for 10,000 dollars, tapos mababasag lang?” dugtong niya nang may inis, bahagyang napapailing sa dismaya. “Apologies for my assistant’s mistake, Ninang Yvette. I’ll cover the cost of the wine,” kalmadong sabi ni Vaughn. “No need, Vaughn. What’s far more upsetting than that broken wine is you marrying someone else,” sagot niya, may halong pait ang tono. “Continue your words, Diego,” singit naman Don Macontish, interesado sa naunsiyaming rebelasyon. Nang muling magsasalita si Gobernador Diego para ituloy ang kaninang pahayag ay agad siyang pinutol ni Vaughn. “My business isn’t your concern, Ni
Last Updated : 2026-02-17 Read more