Napatitig ako sa kanya. He looked drunk, but the way he talked, tila ba wala siyang tama ng alak kahit halata sa kanyang boses ang epekto nito.“Opo, Sir,” tugon ni Aida bago kami mabilis na iniwan sa gitna ng nakabibinging katahimikan.Napatingala siya sa akin noong nasa harapan niya na ako.“Choose a wine,” utos niya.Nailibot ko ang paningin sa napakalawak na silid na puno ng iba't ibang koleksyon ng alak na nakadisplay sa mga racks na gawa sa mamahaling uri ng kahoy.“You’d better choose a good one. If you’re going to disappoint my taste, I’ll make your punishment worse,” saad niya sa isang mabigat na tono.“Punishment?”Napangisi naman siya nang mapanganib.“Punishment for keeping me waiting here for hours,” dagdag pa niya, at muli na namang binalot ng kaba ang aking buong pagkatao.Balak niya ba akong i-marinate sa wine pagkatapos niya akong kitilin?Gosh... huwag naman sana.---Napapalunok ako ng laway habang pinapanood siyang tikman ang wine na napili ko. Sandali siyang natig
Baca selengkapnya