The Only Woman of the Cold Billionaire Mafia Prince

The Only Woman of the Cold Billionaire Mafia Prince

last update최신 업데이트 : 2026-01-21
에:  Anne Lars방금 업데이트되었습니다.
언어: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
17 평가. 17 리뷰
50챕터
2.8K조회수
읽기
서재에 추가

공유:  

보고서
개요
목록
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.

**MATURE CONTENT** Territorial Mafia Series 2: VAUGHN CROSSBAN --- He is a doctor. He is a billionaire. He is the ruthless leader of the Northern Mafia. Vaughn Christian Crossban, 27 years old, a dangerously handsome, filthy rich, and the most sought-after bachelor in the city. He can heal you, destroy you, or buy your entire existence with a single command. But beneath the perfection is a man intoxicated by control, armed with a god complex and a heart incapable of mercy. Vaughn doesn’t believe in love. He vowed never to kneel, beg, or cry for any woman. No woman could ever do that to him, not even his ex-fiancée. Mira Kim Adore, ang babaeng hindi sumipot sa mismong araw ng kasal nila. Ang babaeng walang takot na iniwan ang isang katulad niyang bilyonaryo, at ipinagpalit lamang siya sa isang lalaking wala sa kalingkingan niya. Dahil sa galit... sa pride at ego niyang niyurakan, sinira niya ang lahat kay Mira. He watched as she drowned in debt, cursed by misfortune. At natutuwa siyang paglaruan ito. Para sa kanya, she was nothing but a toy… someone to manipulate, control, and discard. Pero paano kung lahat ng katagang binitiwan niya noon... ay siya ring kakainin niya sa huli? Paano kung ang larong sinimulan niya ay nauwi sa isang pagmamahal na hindi na niya kayang pigilan? Sa isang pag-ibig na hindi inaasahan, may pag-asa pa bang makaligtas ang isang cold-hearted prince sa apoy ng sarili niyang kapahamakan?

더 보기

1화

Chapter 1

ENGAGEMENT PARTY

**MIRA**

Pagkapasok ko sa loob ng isang luxurious hotel, agad akong sinalubong ng concierge. She gave me a polite smile before gesturing toward the grand hall, her gloved hand pointing to the golden doors. Napangiti rin ako bilang tugon at pagkatapos ay nagsimulang maglakad papasok sa grand hall habang nararamdaman ang lamig ng aircon na humahalik sa aking balat.

Pagpasok ko, sandali akong natigilan habang iginala ko ang aking mga mata sa engrandeng set-up ng hall. The Cameron Grand Hall glowed like a palace in a fairytale, with crystal chandeliers, a golden carpet like a royal path, and soft violin music playing in the background. Parang isang panaginip ang bumabalot sa akin. Saglit akong binalikan ng alaala ng mga panahong ganito rin ang tanawin sa tuwing may engrandeng event ang pamilyang Adore, mga gabing dati’y bahagi ako ng ganitong mundo. Ngunit mabilis ding nabura ang lahat nang maalala ko ang aking tunay na katayuan ngayon. I am not here as a VIP guest, but as a waitress at my ex-boyfriend’s cousin’s luxurious engagement party.

Wearing a neatly pressed black-and-white waitress uniform, nagsimula na akong maglakad at hindi ko maiwasang ipaling ang tingin sa paligid. Marami nang bisita sa loob at kahit dinig na dinig ang malambing na tugtog ng violin, mas rinig ko pa rin ang tawanan at bulungan ng mga dumalo. Lahat sila ay engrande ang kasuotan at halatang pinaghandaan ang makadalo sa event na ito. Ayoko sanang pumasok ngayon dahil to be honest, I’d rather disappear than step into this ballroom. But I had no choice dahil kailangan kong pumasok kahit late na ako sapagkat kailangan ko ng pera.

Agad may humilang kamay sa akin at paglingon ko ay si Patrick pala iyon.

“Kanina ka pa hinihintay ni Tiya Nadia, Mira. Naku, madadamay na naman ako sa’yo,” tila may gigil niyang sabi habang hila-hila ako patungo sa pantry.

“Ba’t late ka na naman? Makakaltukan ka talaga ni Tiya, gurl,” dagdag pa niya na tila mas lalong nagpakaba sa akin.

“Ok na. Huwag na tayong magmadali,” pilit kong pigil sa kanya sabay tanggal ng kamay niyang nakakapit sa pulsuhan ko.

“Papagalitan niya pa rin naman ako kahit magmadali tayo papasok ng pantry,” sagot ko sa kanya.

“Aray! Ba’t ka nambabatok?!” angal ko sa ginawa niya dahil binatukan ba naman ako ng accla.

“Mas lalo kang papagalitan kung hindi ka magmamadali. Dali na! Bilisan mo dahil magsisimula na ang program,” muli niya akong hinila hanggang makarating kami sa loob ng pantry.

Ayan, gaya ng inaasahan ay sermon na naman ang inabot ko kay Tiya Nadia. Tinadtad niya ako ng masasakit na salita habang nasa loob kami ng pantry habang ako naman ay nanatiling nakatungo.

Phew! Sanay na ako sa kadadaldal niya at alam ko namang hindi ako mala-late kung wala akong ibang trabaho. Kailangan ko kasing kumayod nang triple o mas tamang sabihing limang trabaho ang mayroon ako sa isang linggo dahil sa laki ng pangangailangan ko sa buhay.

“Kung tinanggap mo lang sana ang alok ng Tiya Ada mo na ikaw muna ang pumalit sa ate mo, sigurado akong isang gabi pa lang ay may twenty thousand pesos ka na,” ani auntie na tila hindi nauubusan ng mga mungkahi.

“Gamitin mo rin kasi iyang utak mo, Mira. Ba’t ka pa nagpapakahirap sa pagtatrabaho? Pwede mo namang gamitin iyang ganda at katawan mo para kumita ng pera. Bibikaka ka lang naman, pagkatapos ay tatanggap na ng pera,” pagpapatuloy niya.

Hindi ako tumigil sa pagligpit ng mga kagamitang kailangan naming ilabas upang ilagay sa sasakyan ng catering service na pagmamay-ari niya habang kinakausap niya ako. Hindi ko na pinansin ang mga sinabi niya at hindi na rin ako nag-komento pa dahil alam kong wala rin namang patutunguhan ang usapang iyon.

“Tiya, labas na namin ito,” tanging sabi ko dahil hindi ko na ininda ang pangungumbinsi niyang magtrabaho ako sa isang cabaret club.

“Oy, Mira! Kinakausap pa kita!” sigaw niya nang kusa ko na siyang tinalikuran.

“Lakas talaga ng loob mo, beh. Ikaw lang ang nakakayang ganyanin si Tiya,” natatawang saad ni Patrick habang bitbit ang mga hindi kailangan sa loob ng pantry at sabay kaming naglakad sa hallway palabas. Sa back exit kami dumaan para hindi makatawag ng pansin.

Napabuntong-hininga na lang ako. Mas mabuting huwag pansinin ang pinagsasabi niya dahil baka mag-away lang kami at mas lalong gumulo ang sitwasyon. Nang natapos naming hakutin ang gamit, balak ko sanang manatili na lang muna sa loob ng pantry para hindi ako mautusan ni Tiya. Natatakot kasi ako na baka mag-krus ang landas namin ni Vogue o ni Vaughn, pero si Tiya ay tila ayaw makipag-cooperate sa akin. Inutusan niya akong samahan daw si Patrick para mag-serve ng wine sa mga bisita.

Tàngina naman. Malas! Sana talaga ay hindi ako mapansin ng ex-boyfriend ko at ng parents niya.

“Pat, ikaw na ang mag-serve sa kanila,” bulong ko sa pinsan ko sabay turo sa mesa kung saan naroroon si Vogue kasama ang pamilya niya. Nakatalikod siya, pero kahit nakatalikod ay kilalang-kilala ko pa rin ang tindig niya.

He is tall, handsome, and has a masculine body. Dahil masyado akong nakatutok kay Vogue, hindi ko napansin ang nilalakaran ko at aksidente akong may nabangga.

Nahulog ang tray na dala ko at sa isang sandali ay parang namatay ang tugtog sa buong paligid. Tila luminaw sa lahat ang tunog ng tray at ang malakas na pagbagsak ng mamahaling bote ng wine pati na ang mga wine glass sa marble na sahig. Nabasag ang mga iyon.

Shít! Ang tanga ko talaga! Ayaw kong maging center of attraction pero parang mangyayari na naman ang kinatatakutan ko.

“Sorry, sir!” agarang paumanhin ko sa lalaking nabangga ko. Hindi ko na tiningnan kung sino siya at nanatili na lang akong nakayuko habang nanginginig ang mga kamay. Hindi ko alam kung bakit, pero parang napansin kong napa-gasp ang mga bisita sa paligid.

Anong meron? Presidente ba ng ibang bansa ang nabunggo ko?

“What the hell have you done?!” isang pamilyar na boses ang pumukaw sa akin. Pagkalingon ko ay doon na nagtagpo ang aming mga mata.

“Mira?” halos pabulong na sambit ni Vogue sa pangalan ko at halata sa kanyang mukha na gulat na gulat siya nang makilala niya ako. Ilang ulit akong napalunok ng laway habang bumibilis ang tibok ng puso ko.

Ngunit saglit lang siyang napatitig sa akin dahil agad niyang ibinaling ang tingin sa lalaking nabangga ko, at ganoon din ang ginawa ko.

Dahan-dahan akong napatingala at doon ay tila huminto ang mundo ko. And my mouth slightly opened pero agad ko rin iyong isinara. It was Vaughn. Mas lalo akong pinagpawisan nang malaman kong siya pala ang nabangga ko. Malas talaga dahil ang dalawang taong iniiwasan ko ay nandito ngayon sa harapan ko.

“I’m sorry, Mr. Crossban. Ako na ang humihingi—”

“Shut up,” isang malamig na boses ang lumabas sa bibig ni Vaughn na agad pumutol sa sasabihin ni Vogue. Napatikom na lamang ng bibig ang binata habang bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.

While me, pakiramdam ko ay maiihi na ako sa kaba dahil sa presensiya ng nag-iisang Vaughn Christian Crossban. He’s staring at me so cold, yet if you look deeper into his eyes, you can see an intense anger burning within.

“Miss Adore,” kalmadong sambit niya na nagpataas ng balahibo ko. “Long time no see,” pagpapatuloy niya habang nananatiling nakatitig sa akin.

“Did you miss me?” dagdag pa niya, ngunit ramdam na ramdam ko pa rin ang lamig ng kanyang pakikitungo na tila ba ayaw na niya akong makita kailanman.

펼치기
다음 화 보기
다운로드

최신 챕터

더보기

독자들에게

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

리뷰더 하기

Anne Lars
Anne Lars
Chapter 47-48 published. Enjoy reading!
2026-01-20 23:30:37
1
0
Anne Lars
Anne Lars
Chapter 45&45 updated
2026-01-19 00:08:00
1
0
Anne Lars
Anne Lars
Hi, I’m back!! Nakapag-update na po ako after two months na walang update para sa book na ito. Chapters 43 and 44 are now available. Thank you so much for waiting and for your continued support! 🫶
2026-01-18 23:37:54
1
0
HoneyLet
HoneyLet
update na pls. nag aanty ako sa story na to tapps walang update ano ba yan
2025-12-29 12:02:13
2
1
Cruzada Arnel
Cruzada Arnel
more updates Miss A
2025-12-16 22:07:38
2
0
50 챕터
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status