LORIE LOVE Ang kasal naming dalawa ang isa sa pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Narito kami ngayon sa reception at kasama namin ang buo naming pamilya. Masaya ang lahat, masaya sila para sa amin. “Johannie, ang saya ko sobra.”“Ako rin, love.”“Sana ay lagi na lang ganito no? Sana ay magaan lang ang lahat at sana kapag ako nanganak ay hindi ako mahirapan,” sabi ko sa kanya.“Love, lagi mong tatandaan na nasa tabi mo lang ako palagi. Ano man ang mangyari ay nasa tabi mo lang ako lagi,” sabi niya sa akin.“Alam ko, alam ko na hindi mo na ako papakawalan lalo na ngayon na magkakaroon na tayo ng anak,” nakangiti na sabi ko sa kanya.“Habang-buhay na ito. Wala ng balikan pa at never akong hihinto na mahalin ka,” sabi niya sa akin kaya naman napaiyak ako.“Pinapaiyak mo na naman ako.”“Sinasabi ko lang ang totoo, mahal na mahal kita. Ikaw ang palagi kong pipiliin sa kahit na anong panahon pa ng buhay ko sa mundong ito. Ikaw ang good karma ko, love.”“Ang mahalaga naman ay nagbago ka. An
Last Updated : 2026-09-08 Read more