MARIA TESSASino? Sino ang hindi kikiligin sa lalaking ito? Ang bango-bango naman kasi talaga. Na para bang kahit ang pawis niya ay ang bango-bango pa rin.“Okay ka lang ba d’yan?” tanong niya sa akin.“Opo, okay na okay po.”Tinatanong pa ba ‘yan? Kahit sino naman siguro ay magiging okay kung nakayakap ka sa kanya. Noon pa man ay crush ko na talaga siya. Kaya paano ko pipigilan itong puso ko na ang bilis-bilis na naman ng t*bok. Parang mag naghahabulan ba naman sa loob nitong puso ko. Ang hirap pala ng ganito, dahil nakakatakot. Baka ma fall ako tapos walang sasalo sa akin.“Ang tahimik mo, ganyan ka ba talaga ka tahimik?” tanong niya sa akin.“Ano po ang dapat kong sabihin?” tanong ko sa kanya.“Wala naman, baka gusto mo lang na mag-usap tayo para hindi ka mainip,” sabi pa niya sa akin.“W–Wala naman po akong sasabihin,” sabi ko naman sa kanya dahil wala naman kasi talaga akong sasabihin.Ano ba ang dapat sabihin ko? Ano naman ang ikukuwento ko sa kanya? Wala akong alam na puwede na
Última atualização : 2026-10-01 Ler mais