NINONG CONGRESSMAN (SPG)

NINONG CONGRESSMAN (SPG)

last updateLast Updated : 2025-07-05
By:  CALLIEYAH JULYUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
5Chapters
155views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"Ikaw, ikaw ang ninong ko!" Sikat, gwapo at isa sa mga pinakabatang congressman sa Pilipinas si Johann Gray Zuares. Ang tahimik niyang buhay ay magugulo sa pagdating ng isang dalagitang babae. Ito ay si Lorie Love Azanno, ang magpapakilalang kanyang inaanak.Ang inaanak na hindi naman niya matandaan. Ano ang mangyayari sa pagtatagpo nilang dalawa?

View More

Chapter 1

C1

AUTHOR’S FRIENDLY REMINDER: THIS STORY IS A WORK OF FICTION. WARNING: MATURE CONTENT AND NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. PLEASE, READ AT YOUR OWN RISK! R-18 STORY..KATHANG ISIP LAMANG PO ANG LAHAT NG NAKASULAT DITO. HUWAG PO SANANG MASYADONG SERYOSOHIN! THANK YOU PO!

LORIE LOVE

“Ninong?”

“Ikaw, ikaw ang ninong ko!”

“Inaanak mo po ako!” sigaw ko sa lalaking nakatayo sa labas nitong mall.

“Who are you? What are you talking about?” tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo niya.

“Hindi po ako nagkakamali. Ikaw po talaga ang ninong ko.” nakangiti pa na sabi ko dahil masaya ako.

“Fvck! Nagkakamali ka lang yata, Miss. Ang bata ko naman para maging ninong mo,” sabi niya sa akin.

“Opo, bata nga po pero ninong talaga kita. Sabi ng nanay ko ay ninong kita noong SK Chairman ka pa lang,” sabi ko sa kanya at baka sakaling maalala niya.

“Sorry pero wala akong maalala,” sagot niya sa akin.

“Tulungan mo po ako, gusto kong makapag-aral.” Walang paligoy-ligoy na sabi ko sa kanya.

“Lumapit ka sa foundation. Kapag nakapasa ka at naibigay mo ang lahat ng requirements ay makakapag-aral ka na,” sagot niya sa akin.

“Bakit hindi na lang po ikaw ang tumulong sa akin? Ninong naman po kita eh,” tanong ko sa kanya.

“Sorry, Miss. Hindi ko alam at hindi ko matandaan. Excuse me,” sabi niya sa akin at tumalikod na siya.

“Kapag eleksyon lang talaga kayo magaling,” naiinis na sabi ko at mabilis akong lumayo sa kanya.

Hindi naman ako puwedeng mamilit lalo na ang sabi niya sa akin ay hindi naman talaga niya ako kilala. Uso kasi talaga dito sa amin ang ganito, may mga ninong o ninang na politiko. Lalo na late na ako nabinyagan noon at ang sabi sa akin ni nanay ay ninong ko siya noong SK chairman siya sa barangay namin. Binyagang pambarangay raw iyon noon.

Mas pinili ko na lang na umuwi sa bahay namin. Dahil nalulungkot talaga ako. Ewan ko ba pero ang lungkot ko talaga. Sa totoo lang ay tama naman ang sinabi ni Cong. Pero kasi hindi naman ako natanggap dahil every year ay may limit sila at marami na ang mas nauna sa akin.

Pagpasok ko sa bakuran namin ay nakita ko na nagsisibak ang tatay ko ng kahoy na panggatong namin.

“Mano po, tay.”

“Kaawaan ka ng Panginoon, anak. Kumusta ang lakad mo? Nakahanap ka na ba ng trabaho?” tanong sa akin ni tatay.

“Wala po, halos wala pong bakante. ‘Yong ibang trabaho naman ay gusto nila college graduate,” sagot ko sa kanya.

“Pasensya ka na talaga, anak. Ang kinikita ko kasi ay kulang pa para sa gamot ng inay mo,” malungkot na sabi sa akin ng tatay ko.

“Huwag ka po magsalita ng ganyan. Makakaahon rin po tayo, sa ngayon ay maghahanap na lang po muna ako ng ibang trabaho. May awa po ang Panginoon. Makaraos rin po tayo, hindi man ngayon pero habang may buhay ay may pag-asa,” nakangiti na sabi ko sa kanya at niyakap ko pa siya.

“Marumi ako, anak. Baka madumihan ang damit mo. Ilan na lang ang mga gamit mo na maayos,” sabi sa akin ni tatay.

“Pasok na po ako sa loob, tay.” paalam ko sa kanya.

Pagpasok ko sa bahay ay nakaupo ang nanay ko sa lumang kawayan na upuan namin. Lumapit ako sa kanya at nagmano ako sa kanya. Hinalikan ko siya sa noo bago ako pumasok sa silid ko para magbihis ako ng damit. Paglabas ko ay nakipag-kwentuhan ako kay nanay.

“Alam niyo po, nay. Nakita ko po si Congressman sa mall kanina. Kinausap ko pa nga siya, sinabi ko sa kanya na inaanak niya ako. Pero hindi naman niya ako kilala,” malungkot na sabi ko kay nanay.

“Hayaan mo na, anak. Hindi ka talaga niya kilala, lalo na marami ‘yan siyang inaanak. Matulungin kasi siya kahit pa noong SK pa lang siya,” sabi sa akin ni nanay.

“Tama ka po, nay.” sabi ko na lang sa kanya.

Gusto kong sabihin sa kanya na humingi nga ako ng tulong sa idol niyang politiko pero hindi naman ako tinulungan. Tinuro lang niya ako sa mga charity at foundation niya. Ayaw ko naman na maging pangit ang tingin ng nanay ko sa kanya. May sakit ang nanay ko at ayaw ko siyang bigyan ng sama ng loob.

Tumayo na ako para magluto ng pagkain namin. Nagsaing ako dito sa kusina namin gamit ang kahoy. Dahil sa hirap ng buhay ay hindi na kami nakabili ng stove na gamit ay gas. Ang pera namin ay gagamitin na lang namin na pambili ng gamot ng nanay ko. Kahit pa nagtatrabaho ang kuya ko ay wala namang natitira dahil sa maliit lang rin ito.

Mabuti na lang at natapos ko ang senior high school.

“Lorie!” narinig ko na tawag sa akin ni tatay kaya naman lumabas na muna ako.

“Bakit po?”

“Hinahanap ka ng tiya mo, pumunta ka muna sa bahay nila at may sasabihin raw sa ‘yo,” sagot niya sa akin.

“Sige po,” sagot ko sa kanya at naglakad ako papunta sa kabilang bahay.

“Tiya, hinahanap niyo po ako?” tanong ko sa kanya.

“Nakahanap ka na ba ng trabaho?” tanong niya sa akin.

“Wala pa po, tiya.”

“Nagkita kasi kami kanina ng kaibigan ko. Ang sabi niya naghahanap daw ng katulong sa mga Zuares, baka gusto mong magtrabaho sa kanila?” 

“Katulong po?”

“Oo, marami naman daw kayo doon at hindi naman daw mahirap ang trabaho. Malaki rin ang sahod doon, kung ako lang talaga ay walang ginagawa ay ako na lang ang papasok–”

“Sige po, tiya. Magtatrabaho po ako doon, mas okay na po ‘yon kaysa maging tambay po ako,” sagot ko sa kanya.

“Sige, tatawagan ko na ang kaibigan ko.” 

“Marami salamat po, tiya.” nakangiti na sabi ko.

Kinausap ni tiya ang kaibigan niya. Ako naman ay umuwi na sa bahay para magpaalam sa magulang ko. Alam ko na hindi ito ang pangarap nila para sa akin pero sa ngayon ay ito na muna. Marangal na trabaho ang pagiging katulong kaya wala akong dapat na ikahiya. Mahirap ako at sanay sa hirap kaya wala akong karapatan na mag-inarte.

“Sigurado ka na ba talaga, anak?” tanong sa akin ni tatay.

“Opo, para po ito sa atin. Para po pandagdag sa gamot ni inay. Uuwi po ako dito tuwing day-off ko,” sagot ko sa kanya.

“Mag-iingat ka doon, anak.”

“Opo, mag-iingat po ako palagi. Alagaan niyo po ang sarili niyo,” parang naiiyak na sabi ko sa tatay ko.

“Ikaw rin, anak ko.” 

Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata nila ng nanay ko. Ginagawa nila ang lahat para sa amin. Dahil daw sa hindi sila nakapag-aral noon ay nais nila na makatapos ako. Sa sobrang pagtatrabaho ay nagkasakit naman ang nanay ko. Kaya ngayon ang kuya at tatay ko ang nagtatrabaho. 

Pumunta ang pinsan ko dito para sabihin na mamaya daw ako pupunta doon sa bahay ng mga Zuares. Ang bahay kung saan nakatira ang ninong ko na hindi naman ako kilala. Sigurado naman ako na busy siya kaya baka wala rin siya doon.

“Kaya natin ito self,” sabi ko sa sarili ko habang nag-aayos ako ng mga gamit ko na dadalhin ko.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Madelyn Macapas
recommended
2025-07-07 23:27:09
0
user avatar
Rachel Dela Vega Matucad
thank you dhl andito sya sa GN author callieyah goodnovel dame mo ng story dito...
2025-07-07 17:56:31
0
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status