KABANATA 23Amoy alcohol. Puting ilaw. Maingay na monitor. Lamig ng aircon. Masakit na katawan. Mabigat ang loob. Pero higit sa lahat, may kirot sa puson na parang humihiwa sa kaluluwa ko. Mabigat ang bawat paghinga ko, pero mas mabigat ang takot na gumagapang sa dibdib ko.Naramdaman kong may kamay na humawak sa akin. Mainit, mariin, parang takot na mawala ang hawak. Nang dumilat ako, bumungad ang pamilyar na mukha ng isang lalaki—si Draven, maputla, magulo ang buhok, namumugto ang mga mata. Hindi siya nagsalita agad. Pinagmamasdan lang niya ako, para bang tiniyak kung gising na talaga ako.“Hey,” mahinang bulong niya. “You’re okay. You’re both okay.”Iginala ko ang paningin sa paligid. Nasa ospital ako, may swero ang kamay. May monitor. At ramdam ko pa rin ang panghihina. Pero hindi ko ininda iyon, dahil ang unang inalala ko ay ang anak ko.“‘Y-yung baby ko?” I asked weakly.Tumango si Draven. “Stable na raw. But you still need to rest. Bed rest. Kailangan nating iwasan ang kahit an
Terakhir Diperbarui : 2025-07-10 Baca selengkapnya